Tanaw ang masasayang bata sa bintana Tumatakbo at naglalaro ng Haring Taga Samantala ako’y nag-iisa walang magawa kundi ang magbasa Mag-isa sa kwarto kasama ang makakapal na libro Nais kong maglaro’t magtampisaw sa ilalim ng ulan Nais kong tumakbo na kasing bilis ng kidlat sa kalangitan Maglaro ng taguan maghapon hanggang kinagabihan Ngunit sabi ni Nay, “sa bahay pumirmi lamang.” Dumating ang aking kaarawan Kasiyahan ay walang pagsidlan Bagong Robot ang regalo ni paborito kong Ninang Naglalakad at nagsasalita ang aking bagong laruan Malulungkot na araw ay biglang nag-iba Ngiti sa labi habang hawak si Draco, ang Robot kong binibida Baon sa eskwela at kung saan man magpunta Siglang dulot ni Draco sadyang kakaiba Lahat ng kalaban ay tinalo ng mabilisan Halimaw at masasamang nilalang ay walang labang napaslang Ang mga galos at sira ni Draco hindi inalintana Patuloy ang paglalaro at pagsabak sa larong giyera Dumaan at lumipas ang mga araw Katawan ni Draco’y unti unti ng naghihiwalay Huli na ng mapansin ang sugatang kaibigan Hindi na makalakad at parang taong wala ng buhay Luha ng pagsisisi at kalungkutan Para sa kaibigang nakalimutang alagaan Ang saya ng pagkikita ay napalitan ng lungkot ng paghihinayang Kaibigang Draco, sa akin ikaw pa rin ang bida. ang tulang ito ay aking lahok sa Saranggola Blog Awards 3.
Advertisement
Hiwa hiwalay! Wagi!
Poked Bro! hahahaha
base base base!!!
nauna si dad mo!!!
)
naalala ko ke draco ung manika ko nung bata ako, tinapon na lang din ng tatay ko sa sobrang dumi hihihihi… kung di ko pinabayaan siguro hanggang ngaun nakadisplay pa un sa bahay
aw bat di naliligo ang manika mo parang si bab lang ah….
)
sa una kasi masyado tayo naeexcite kapag meron tayong bagong laro lalo na batang isip pa..Ang gusto ay magpakasaya sa paglaro.
Nasabi ko na ba? Hindi ako sanay magbasa ng tula sa blog mo! Pero pangalawa na to, dapat na siguro akong masanay.
hahaha…madalang lang din magsulat pero patula pa…
onga dapat masanay ka na din…
Matagal akong nagmuni-muni at nag-isip
Kung patula rin ba ang aking puna sa ngayong pagsilip.
Sabi ko pwede siguro, at bakit di ko nga subukan
Eh makata naman ako sa di malayong nakaraan…
Noong bata ako’y wala akong alaala
Mga panahong ako’y may laruang kasama
Bagamat sabi nila, dati umaapaw daw sa dami
Ang mga laruan sa aking tabi.
Bagkus, sa aking isipa’y masasakit na tagpo
Na matagal kong binugno sa aking puso.
Ni hindi ko matandaang ako’y pinagbigyan
Sa bawat pagpapabili ko ng anumang laruan.
Gayunpaman, masaya rin ang aking kabataan
Maraming batang kalaro ang dahilan.
Napagtanto ko, wala nga akong laruan
Naghari naman ako sa mga laro sa daan.
Sa aking wari’y kailangan mo nga si Draco
Limitado kasi ang pakikisalamuha mo
Sa mga katulad mong batang pinagmasdan
Masaya sa Haring Taga sa gitna marahil ng daan.
Kahit di man naalagaan, sigurado ako
Kung may isip, magiging masaya si Draco
Nagampanan niyang tunay ang kanyang layunin
Walang iba kundi ikaw ay pasayahin.
At ang haba na pala ng aking naisulat.
Di ko na lalagyan ng anumang pamagat.
Sa iyong lahok, ika’y aking binabati.
Hangad ko tagumpay mo’y lagi.
Ngiti sa aking labi biglang namutawi.
Handog mong punang patula’y walang maipaparis.
Noon ay sagana ka pala sa laruan.
Tiyak na ganoon din sa pagmamahal.
Aking kagalakan at ito’y iyong nabasa.
Kahit na si Draco ngayo’y wala na.
Marahil gayon din ang kanyang madarama.
Salamat Kuya Mark at dito’y laging magpunta.
pangalan pa lang ng robot, astig na. draco. parang bampirang robot.
wala eh.gusto ko lang mag comment. goodluck sa SBA sir arnie!
yehey kasali si boss arn…. ang galing…
ang galing nito kuya tabasingkit
Beng!
This is such a wonderful poem in tagalog. I’m just wondering what is saranggola awards? Thanks.