SaN na ang Mga HOuseMates…?

Asan na nga ba ang mga hOusemates sa Bahay ni Lolo??? Miss ko na sila…

Bago ang lahat kwento ko muna Kung bakiT at paaNo nagsimula ang idea  about sa mga HousemaTes…

Matapos kaming magtapos sa aming kurso napagpasyan naming maghanap ng bahay o apartment na matutuluyan bilang paghahanda sa aming pagpasok sa review classes…eto na nga  at napagpasyahan naming lumuwas upang humanap nga ng matitirhan…lumuwas na kami papunta Maynila, ang init ng panahon..grabeh..buti na lng may nakita kmi agad ng isang 2 storey apartment kasya nman kaming labing isang hausemates (Luma nga lng…nagtitipid eh..hehehe)…para syang haunted (totoo pala…)

Dumating na ang araw ng aming paglipat..ang saya saya..kakaexcite pero may kaba at takot din dahil bagong experience ito para samin…Lumipas ang mga araw at nagsimula na ang klase namin..masaya kasi bago at nakakapagod kasi we need to listen and focus on the review…(toxic talaga..huhu) Buti n lng masayang umuwi sa bahay ni Lolo nakaluto na ang aming resident chef na si Ida at Mercy…(panalo clang magluto! pwamiz..) toka toka nga pala kmi ng gawain sa bahay at rotation kada linggo…heheh parang sa Big Brother House ang theme kumbaga…meron din kaming comedian sina BJ at Jackie dahil sa sobrang kainosentehan nilang dalawa na talga nman matatawa ka…hehehe meron ding panalo sa face, mga house beauty, sina Yeel na kamukaha ni Angel Locsin at si Glaiza mala Jennylyn Mercado naman…( o ayan aiz ah ganda ng pagdescribe ko sau…hehehe damihan mo pasalubong mo sakin ah..toinkz)  ciempre nandun din cla Emac (ang piping nging madaldal), Karen (ang tomadora), Edz (ang Best Friend ko daw…) at c ate Mich (the hot Mama) at ciempre hindi naman  pahuhuli c tito ernie (Ako yun!)…

Eto na ang encounter nmin sa mga MUMU..hehehe katakot talga meron kumakantang matanda at naglalarong bata pero d nman namin nakikita sa 2nd floor….ahooo talga…kea ayun to pull out those bad spirits daily kming nagpapray for their souls… buti na lng takas sa kumbento c Manang Glaiza…hehehe ( Kamiss na ung pagrorossary namin…)

Nakakamiss din ang mga paglibot namin at pagtambay sa Luneta after preBoard exams…ang saya saya dahil bumalik kami sa pagkabata nang maglaro kami ng Harang Taga o Patintero sa damuhan ng Rizal park…hehehe kafagod pero enJoy  nung mga oRas na yun… (kelan kea ulit kami maglalaro ng patintero…?)

Dumating na din ang araw ng Board Exam. Bawat isa ay hindi matago ang kaba at takot sa magiging resulta nito ng pagsusulit na pinaghandaan nmin ng halos anim na buwan…Kung ano mangyayari kung meron mang hindi papalarin makamit ang pinapangarap na lisensya…Ngunit nakakalungkot dahil ndi kmi lahat ay pinalad maatim ang hinahangad naming resulta…hayyy Hindi ko alam kung ang mararamdam ko ng mga oras na yun kung tatawa ako o iiyak dahil 2 lng kaming pinalad sa housemates…ganun pala yun…nakakalungkot isipin…after nun Nagkahiwahiwalay na ang mga Housemates sa Bahay ni Lolo…

Nangingiti ako bigla sa tuwing binabalikan ko lahat ng pangyayari ng mga panahong iyon…Namimiss ko na lahat ng kasiyahan, kalokohan at damayan ng bawat Housemates..Asan na kaya ang mga Housemates?? Kumusta na kaya sila??  —

Advertisements