Bangungot…

Naranasan mo na bang ikaw ay bangungutin? Ano nga ba ang dahilan kung bakit nakakaranas ang isang tao nito? Sa iyong karanasan paano mo nalaban ang takot at muling magising sa iyong pagkakahimlay?

Nais kong ishare ang dalawang karanasan habang ako ay nasa fieldwork at kailangan kong magstay sa staffhouse or hotel malapit sa branch kung san ako nakaassigned…

Ang una kong ikukwento ay ang naranasan ko noong naassigned ako sa Plaridel, Bulacan for one week so no choice ako but to stay at the staff house. Merong sabi sabi na meron daw nagpapakitang batang maitim na animo tyanak or whatsoever na bigla na lamang gugulantang at gagambala sa iyong matisaway na pagtulog. Ang kwento ay bigla ka na lang magigising na animo’y merong sumasakal at nakadagan sa iyong dibdib na maliit na tao (hay katakot talaga!!). Ngunit sabi ko nga no choice si tito but to stay there or I need to travel back and forth from Nueva Ecija to Plaridel and vice versa.

Ito na nga ang mga lumipas na pangyayari, gabi na (awoohhhooo!)…super tahimik sa paligid at nasa 4th floor pa ang aming staffhouse at dalawa lang kami sa mga oras na yon. Habang lumilipas ang mga oras sempre kung ano ano pa ang naiisip ko nun baon ko kasi ang mga nakakatakot na kwento patungkol sa lugar at mga karanasan ng mga taong natry magstay sa lugar na yon. Eto na talaga…(ssssssssshhhhh!) nakatulog ako agad..at habang prente ako sa aking pagtulog sa kalagitnaan ng madaling araw…ako pala ay nanaginip na..(waaaaaaaaah!) nakahiga daw ako at balot ng kumot…sa di ko maaninag na posisyon merong kung anong bagay ang nakadagan sa akin na pumipigil sa aking makapagsalita at bigla na lng tumaas ang kumot ko na parang magic..natakot ako nun ang ginawa ko ay: nagdasal ako ng mataimtim saying our father and hail mary taz after nun bigla akong nagising…hayyyy!!! thanks kay Bro…after nun lagi ko ng nilalagay sa ilalim ng unan ko ang rosary ko at simula nun payapa na din akong nakakatulog sa naturang staffhouse.

Ang ikalawa at panibago kong karanasan ay nangyari kagabi lang (as in fresh na fresh pa..waaaah). Habang nandito kami sa Bicol kami ay lumalagi sa staffhouse din na medyo matagal tagal na din ang naturang gusali. Meron ding mga kwentong kababalaghan at katatakutan pero sa 3 beses na pagbalik ko dito sa Bicol ngayon ko lng naranasan ang bangungutin. Late na din akong natulog matapos kong manuod ng TV nagdesisyon akong matulog na since maaga pa ang pasok ko kinabukasan. Habang himbing at nasa kasarapan na ang aking pagtulog, bigla na lamang ako napunta sa isang masayang panaginip ngunit hindi nagtagal naging iba na ang mga eksena naging horror bigla at talaga namang kakaiba. Nasa kwarto ako habang natutulog merong kung anong pwersa ang nasa tapat ng aking tyan, mabigat, mainit at meron konting kirot (kala ko napupupu lng ako!? hahaha)

—bigla akong natakot sa mga katagang aking narinig na boses ng bata:

“Akin na ang katawan mo…Mamamatay ka na..(habang malademonyong tumatawa!)”

Grabe ang naramdaman kong kaba at takot. Sa mga oras na iyon ako ay taimtim na nagdasal ng Our Father at Hail Mary…paulit-ulit hangang sa akoy nagising. Sa silid na nababalot ng kadiliman hindi na ulit ako nakatulog hanggang sa magumaga na.

Salamat sa Panginoon, sa palaging pagdinig ng aking dasal.

Advertisements