Bangungot…

Naranasan mo na bang ikaw ay bangungutin? Ano nga ba ang dahilan kung bakit nakakaranas ang isang tao nito? Sa iyong karanasan paano mo nalaban ang takot at muling magising sa iyong pagkakahimlay?

Nais kong ishare ang dalawang karanasan habang ako ay nasa fieldwork at kailangan kong magstay sa staffhouse or hotel malapit sa branch kung san ako nakaassigned…

Ang una kong ikukwento ay ang naranasan ko noong naassigned ako sa Plaridel, Bulacan for one week so no choice ako but to stay at the staff house. Merong sabi sabi na meron daw nagpapakitang batang maitim na animo tyanak or whatsoever na bigla na lamang gugulantang at gagambala sa iyong matisaway na pagtulog. Ang kwento ay bigla ka na lang magigising na animo’y merong sumasakal at nakadagan sa iyong dibdib na maliit na tao (hay katakot talaga!!). Ngunit sabi ko nga no choice si tito but to stay there or I need to travel back and forth from Nueva Ecija to Plaridel and vice versa.

Ito na nga ang mga lumipas na pangyayari, gabi na (awoohhhooo!)…super tahimik sa paligid at nasa 4th floor pa ang aming staffhouse at dalawa lang kami sa mga oras na yon. Habang lumilipas ang mga oras sempre kung ano ano pa ang naiisip ko nun baon ko kasi ang mga nakakatakot na kwento patungkol sa lugar at mga karanasan ng mga taong natry magstay sa lugar na yon. Eto na talaga…(ssssssssshhhhh!) nakatulog ako agad..at habang prente ako sa aking pagtulog sa kalagitnaan ng madaling araw…ako pala ay nanaginip na..(waaaaaaaaah!) nakahiga daw ako at balot ng kumot…sa di ko maaninag na posisyon merong kung anong bagay ang nakadagan sa akin na pumipigil sa aking makapagsalita at bigla na lng tumaas ang kumot ko na parang magic..natakot ako nun ang ginawa ko ay: nagdasal ako ng mataimtim saying our father and hail mary taz after nun bigla akong nagising…hayyyy!!! thanks kay Bro…after nun lagi ko ng nilalagay sa ilalim ng unan ko ang rosary ko at simula nun payapa na din akong nakakatulog sa naturang staffhouse.

Ang ikalawa at panibago kong karanasan ay nangyari kagabi lang (as in fresh na fresh pa..waaaah). Habang nandito kami sa Bicol kami ay lumalagi sa staffhouse din na medyo matagal tagal na din ang naturang gusali. Meron ding mga kwentong kababalaghan at katatakutan pero sa 3 beses na pagbalik ko dito sa Bicol ngayon ko lng naranasan ang bangungutin. Late na din akong natulog matapos kong manuod ng TV nagdesisyon akong matulog na since maaga pa ang pasok ko kinabukasan. Habang himbing at nasa kasarapan na ang aking pagtulog, bigla na lamang ako napunta sa isang masayang panaginip ngunit hindi nagtagal naging iba na ang mga eksena naging horror bigla at talaga namang kakaiba. Nasa kwarto ako habang natutulog merong kung anong pwersa ang nasa tapat ng aking tyan, mabigat, mainit at meron konting kirot (kala ko napupupu lng ako!? hahaha)

—bigla akong natakot sa mga katagang aking narinig na boses ng bata:

“Akin na ang katawan mo…Mamamatay ka na..(habang malademonyong tumatawa!)”

Grabe ang naramdaman kong kaba at takot. Sa mga oras na iyon ako ay taimtim na nagdasal ng Our Father at Hail Mary…paulit-ulit hangang sa akoy nagising. Sa silid na nababalot ng kadiliman hindi na ulit ako nakatulog hanggang sa magumaga na.

Salamat sa Panginoon, sa palaging pagdinig ng aking dasal.

Advertisements

41 thoughts on “Bangungot…

  1. watda. natakot ako.

    tito! nananakot ka! hahhahaha

    opo totoo yan.. sa may tyan sila o sa dibdib mauupo para manggambala..

    worst case scenario na yung hindi ka na magigising.
    minsan pa nga mag dodouble dream ka w/c is dangerous.

    ang gagawin mo ipapadyak mo up and down ang mga paa mo na parang nag swiswimming.. syempre samahan talaga ng prayers..

    isa pa pala, huwag kakain ng busog na busog dahil that will put you in a deep slumber. mas mahirap lumaban, mas matindi ang tulog. ang pancreas maaaring madamay.

    bakit alam ko to?

    nakakatakot yung bata.. wag naman sanang sumunod yun sayo dito sa blog entry mo dahil nabasa ko na! awts.

    pray…

    • hindi naman sa nananakot ako..hehehe

      wow napakainformative at technical ng pagkakaexplain mo wah at alam mo na talaga ang mainam na paraan para sa ganitong sitwasyon…bakit nga ba?? anong karanasan mo???

      sana nga wag syang pumunta dito sa blog ko…waaaaaaaah

      • maraming beses na ko nagkaganyan yung di makahinga meron pa nga gising na ko pero di pa din makahinga..

        dasal lang ng dasal..
        tpos ipagpag ang paa at kamay..

        pero good thing wala pa naman ako tulad nung sayo na nagsasalita at nagbabanta pa..

        baka atakihin ako nyan o masuka ako sa takot.

        nakopo…
        wag naman sana dumalaw sakin mamayang gabi, nagyong umaga pwede pa. matapang ako sa umaga

        • naku wag mo na kasing bangitin baka maya nasa tabi mo na sya…awoooo…hahaha

          wag nman atakihin sa puso..grabe naman yan..maheadline ka nyan sa manila bulletin…

          masubukan kaya ang tapang mo???hmmmm…

  2. waaaaaaaaha… dahil sa kwento mong ito…. ayoko na mag staaaaaaaay dun sa bicol staff house natin!!!!!!!!!!!!!! waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa.. dati nga, mega takot din me tlgah diyan, kaya ayoko nag iisa. tapos after ko to mabasa.. lalong ayoko naaaaaaaaaaaaaa. andiyan p naman ako ng april. waaaaaaaaaaaaaah… nyaaaai. katakot un tito erns ah..

    grabesh.

    hotel! hotel! hotel!

  3. bakit ba gustong gusto nila ang katawan ng tao? ano tawag sa kanila (maliban sa term na multo)? hehe. sensya na natanong lang. btw, di ako masyado binabangungot. a proof na iba talaga ang nagagawa ng prayer before going to sleep. ang ayoko lang talagang mapanaginipan e ang mahulog sa puno o sa building. hehe.

  4. padaan din tito.. 🙂

    first time kong binangungot sobrang natakot talaga ako, ganun pala yun, feeling mu tutuong tutuo yung nangyayare na hindi mu maigalaw katawan mu kahit nagpupumiglas kana, may umakap daw sakin na kaluluwa habang ako na natutulog, akala ko talaga totoo, pilit kong inaalis yung pagkakaap nya sa akin kaso hindi ko magawa, ilang minuto din yon, umiiyak nako, nung umalis na, nagising ako, bangungot pala, iyak ako ng iyak.. hays, yan ekspiriyens ko.

    • whew!!! cguro lalaki yung kaluluwa na yown…ahahaha toinks buti na lng nagising ka agad ate noh…just don’t forget to say a little pray before ka magsleep …

      cheers!!!

  5. ahahha ewan koba! actually lagi naman akong nag pe-pray, siguru kung babangungutin ka tlaga, ganun talaga mangyayare seo, then pray din ako after my night mare, katakot talaga..

    🙂

  6. naranasan ko narin eto, parang nasanay na nga ata ako dito, minsan paran natural nalang. Simple lang ang naging lunas ko sa bangungot. Pag alam mong binabangongut kana maging kalmante ka lang, Sikaping maging concious and isipan kahit hindi mo maigalaw ang katawan. Our mind is very powerful, eto ang secret, just say a prayer “talk to God” and ask forgiveness. its all you can do at the moment. I have more experience about bangungut but its the best tips i can give.

  7. hindi ko alam kung bangungot to ah pero feeling ko hindi naman talaga siya maituturing na bangungot. kasi meron noon hindi ako makahinga. ayun naman pala nahulog yung kurtina namin, nahulog sa mukha ko. kaya ayun.
    hindi naman siya bangungot di ba?
    lagi kasi akong nagdadasal gabi-gabi. kung hindi kasi ako nakapagdasal magigising ako ng mga alasdos o alastres tapos bigla ko maaalala hindi ako nakapagdasal kaya yun. magdadasal tapos tulog ulit! hehehehe!

    • ang saya naman ng iyong kwento….hahahaha

      sa tingin ko nga ay maxado ka lng nahimbing sa iyong pagkakatulog at hindi mo na nmalayan ang kurtina…wahahaha (teka wala ka nman talgang malay kapag tulog ka noh…toinks)

      yeah tama ka dyan…just pray and pray and pray…

      cheers!!! 🙂

  8. aco dn naexperience co n un..akala cu nga gcng p dn acu ee un pla bangungot n..3:00 nun na2log aco then prang my nktngn sken after dat dmating dw ung dlwang best friend co tpux kauxp co ung ixa den ung isa knuha ung blintilador tpus sv co “ui balik mu ian” den tumingn xa xken sbay smile n msma ang tingn den ung muka nung friend co na un turns to my mortal enemy ..paibaiba..den umupo xa xken sa braso nia may umilaw n prang number tpux pinilit cong mgslita peo d co mgwa gnglw co ung ktawan co peo ndi co mglaw,den ung paningin co tumagilid i mean n22log mga kpatid co peo patayo..tpus knagat co dila co den ngcng aco peo andmi p rn image n nkkta cu kea ang gnwa co sa sbrang tcot umiyak aco at kunwari nananagnp aco pra pumunta ung papa co..haha aun d n co nk2log mga 2 dais !!trauma ee !! share lan

  9. I am 16 yrs old and nangyayari ito palagi sa’kin since 6 years old pa lang ako. Nasanay na’ko dito kasi lagi siyang nangyayari. Minsan may naririnig akong nagmumura or sumisigaw. Alam ko na ‘rin kung mangyayari ito habang natutulog ako kasi parang may sign but tinutuloy ko pa’rin ang tulog ko. Kadalasan itong nangyayari kapag nag-iisip ako ng masama or wet dreams kung baga. Pinaka worse siguro ay nung naramdaman ko talaga na bumagsak siya sa katawan ko at napakalakas talaga!! Actually, nagyari lang ulit siya kanina and this time parang may nasusunog and as in parang tutuo talaga. Alam ko na sumisigaw ako ng sunog sunog but walang nakakarinig kasi sa bangungot ko ay naka-close ung kwarto. Sa katunayan ay nakaya ko daw tumayo nun at napatay ko ang apoy but all of these are just fake o panloloko lamang ng bangungot. Nalaman ko na under bangungot pa’ko dahil sinasabi ng utak ko na gumising ako! Actually, every time na babangungutin ako ay parang open ung mga mata ko and one thing for sure oras na sinira mo to mamatay ka or makikita mo kung sino ang bumabangungot sa’yo!! Hindi rin ako naniniwala na kapag busog ka madalas mangyari ito kasi anytime naman basta tulog ka pweding mangyari to. Hindi ko ‘rin iniipit ang mga kamay ko upang maigalaw ko sila oras na dumalaw ang bangungot dahil oras na nakaipit sila ewan ko na lang!! ONE THING NA LAGI KONG TINATANDAAN AT LAGI MONG TATANDAAN NA “MAS MALAKAS KA SA KUNG SINO MAN ANG NASA LIKOD NG BANGUNGOT MO!”. Dahil naniniwala ako na merong maligno o bad spirits na gumagawa nito sa’yo!

  10. I’m curious to find out what blog platform you have been utilizing?
    I’m experiencing some minor security problems with my latest website and I
    would like to find something more risk-free. Do you have
    any recommendations?

  11. You must also be noted that the acne treatments alternatives open in acne
    scar products. It prevents sagging and lines giving your skin a natural makeover.
    Bacteria can grow within clogged pores which causes acne
    breakouts almost instantly, leaving you with the knowledge of many
    different types of acne scars treatments in one variant or the next.
    Don’t use more than one factor to consider is using common vitamins you can find and download free books in almost any category.

  12. If you want a natural skin care fresh younger looking skin. Take three large strawberries and mash them in a bowl.
    Don’t natural skin care forget about the sunscreen. Taking good care of yourself properly but if you want
    to have put on your face overnight. Some salons recommend a product called Tend Skin,
    a liquid that helps soothe skin and prevent moisture loss.
    :” Activation of the aryl hydrocarbon receptor AhR, which senses environmental toxins, could play a role.

  13. This consists of eating your vegetables, fruits and
    vegetables along with their many vitamins, minerals,
    protein and fiber, and low home improvements in saturated foods and rich in whole grains, frequently becomes the norm.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s