I’m Sorry

Para sa aking isang malapit na kaibigan,

I’m Sorry!!!

Batid kong nakagawa ako ng isang bagay na malimit at maaari kong pagsisihan sa bandang huli. Sa unang pagkakataon sa tanan ng aking buhay ay nakialam ako sa bagay na hindi sumagi sa aking isipan ito ay aking gagawin. Ngunit bilang isang mabuting kaibigan at taong lubos na pinagtitiwalaan. Tama bang magbulagbulagan at maging pipi sa gitna ng isang kalokohang ginagawa ng isang tao? Marahil magkakaiba ang ating pananaw. At para sa AKIN– Ito ay dapat matigil at hindi na kailan mangyari lalo na sa isang kaibigan walang hinangad kung hindi ang kanyang kaligayahan at katapatan.

Liban sa mga pasakit na maidudulot nito sa damdamin niya kung sakaling malaman nya ang buong pangyayari. Maraming bagay pa akong pinagisipan bago ko ipagtapat ang aking mga nalalaman. Paano ko ipagtatapat sa kanya?Dapat ko bang isiwalat lahat ng mga bagay bagay na maaaring magbigay sa kanya ng matinding kalungkutan? Hayyy

Nakakalungkot. Nakakakaba. Nakakatakot.

Hanggang sa kahapon mayroon kaba ngunit nasabi ko na sa kanya. At gaya ng iniisip ko nasaktan at nadepress siya sa kanyang mga nalaman.

Napaisip ako bigla. Dapat ba akong magsisi??? Tama ba talaga ang ginawa ko?? Wala akong makausap.

Wala akong magawa upang alohin sya maliban lang sa pagsabi ng “I’m Sorry Aiz”.

šŸ˜¦

Advertisements

Wala Na Sa Sirkulasyon!!!

Blogger pa ba akong maituturing??? Paano kung umabot na sa puntong wala ka ng maisulat sa iyong blog???– Tulad ko sa ngayon! Unti unti na yata akong nawawala sa sirkulasyon ng blogosphere o marahil hindi lamang ako ang nakakaranas ng ganito pakiramdam.

Nagisip ako ng mga pwedeng dahilan kung bakit nawala ang gana ko sa pagsusulat at eto na nga ang mga naging sagot:

1. Busy sa Work WoRk wOrK: Sempre max kailangan prioritize ang work bago ang iba pang bagay. At marahil dahil na rin sa nature ng work ko na hindi mapirmi ng matagal sa isang destination.

2. FacebOOk vs WordPress: Naisip ko na max madalas akong nakaonline sa Facebook kesa sa wordpress. Max nageenjoy ang maglaro ng farmville, pet society, fishville at magcomment ng kung ano ano sa mga status updates ng mga frendz ko. Kadalasan talagang hindi ko na nabubuksan ang blog…waaaaaaaaah (nakakapanghinayang din pala..)

3. Nitatamad si Tito Magsulat???: Patanong?? Bakit?? Siguro sa mga kapwa ko blogger dumadating sa point na wala talaga mood na gumawa ng bagong post or walang interesanteng bagay na maaaring magudyok sa kanila upang muling gumawa ng panibagong obra maestra.Ā Inspiration kumbaga…(wala kase ako nown ngayon…awwww!)

Nakakalungkot talaga ngunit sana Ā makabalik at muling makasama si Tito sa daloy ng mga pangyayari dito sa mundo ng blogging.