I’m Sorry

Para sa aking isang malapit na kaibigan,

I’m Sorry!!!

Batid kong nakagawa ako ng isang bagay na malimit at maaari kong pagsisihan sa bandang huli. Sa unang pagkakataon sa tanan ng aking buhay ay nakialam ako sa bagay na hindi sumagi sa aking isipan ito ay aking gagawin. Ngunit bilang isang mabuting kaibigan at taong lubos na pinagtitiwalaan. Tama bang magbulagbulagan at maging pipi sa gitna ng isang kalokohang ginagawa ng isang tao? Marahil magkakaiba ang ating pananaw. At para sa AKIN– Ito ay dapat matigil at hindi na kailan mangyari lalo na sa isang kaibigan walang hinangad kung hindi ang kanyang kaligayahan at katapatan.

Liban sa mga pasakit na maidudulot nito sa damdamin niya kung sakaling malaman nya ang buong pangyayari. Maraming bagay pa akong pinagisipan bago ko ipagtapat ang aking mga nalalaman. Paano ko ipagtatapat sa kanya?Dapat ko bang isiwalat lahat ng mga bagay bagay na maaaring magbigay sa kanya ng matinding kalungkutan? Hayyy

Nakakalungkot. Nakakakaba. Nakakatakot.

Hanggang sa kahapon mayroon kaba ngunit nasabi ko na sa kanya. At gaya ng iniisip ko nasaktan at nadepress siya sa kanyang mga nalaman.

Napaisip ako bigla. Dapat ba akong magsisi??? Tama ba talaga ang ginawa ko?? Wala akong makausap.

Wala akong magawa upang alohin sya maliban lang sa pagsabi ng “I’m Sorry Aiz”.

😦

Advertisements

14 thoughts on “I’m Sorry

  1. eh tama naman ginawa mo tito..

    mabuti ng nagnggaling sayo kesa sa ibang tao..

    tapos malalaman ni aiz na “alam mo pala “tito ernz” bakit di mo sinabi saken?”

    masmakakabubuti ang nagawa mo. maaring nasaktan sya o nalungkot, pero kasi un ang reality.

    diba tito?

    cheer up!

  2. hindi ako base.. 😀 hahaha.

    ewineis,

    may nabasa ako: Wounds from a friend can be trusted, but an enemy multiplies kisses.

    di hamak na mas gugustuhin kong sermonan ng isang kaibigan kaysa, papurihan ng mga taong hindi ko kakilala..:-D

    basta self explanatory na yun. mabuti kang kaibigan sa ginawa mo tito…

  3. I think in my own opinion, OK lang naman ang ginawa mo, kasi kahit sinu naman gagawin kung anu man ang iyung ginawa lalo na sa kaibigan mo sya. Wala tayung masamang intensyon, ginawa natin yun kasi we love our friend, and kabutihan lang nman nya ang hangad mo diba?! 🙂

    smile na tito! 🙂

  4. Ayos lang yan. Mas okay na nalaman niya sa’yo although sana nalaman niya sa taong gumagawa sa kanya ng kasalanan.. pero seems wala namang balak sabihin nung taong yun at wala siyang balak humingi ng sorry sa kaibigan mo.. Mas okay na ikaw na ang nagsabi.

    Tama yon, you give justice to a crime. Well, I am not in the position to actually say it’s a crime. Probably, that’s a relationship thing.. Pero tama sila Jason at Ate Len. ;]

  5. if you really believe that what you did was right, then you should not be sorry you told her.

    feel sorry your friend’s hurt but don’t feel sorry you did it. you did what you had to.

    hope i’m able to make you feel a little better. 🙂

    smile, come on.

    and happy mom’s day to your mom. 🙂

  6. To all who commented on this post, I do appreciate all those uplifting advise at sa ngaun ok na ulit si tito ernz. 🙂 Things goes on as expected between my friend and her partner…Yep they broke up but weird on my part coz i felt happy rather than sad for her… 🙂

    Happy Mother’s Day to all in here!!!!

  7. Hi arn!!

    dont feel sorry about wat happen. its not your fault. i feel so blessed that GOD gave you to me as my friend.

    Kung ano man ngyayari smin ngaun, d mo kslanan un. U just did the right thing.

    Thank you for being my friend. Sna u will always be there for me whatever decisions I made or will make.

    • Wow….You are very much welcome!!!! *speechless* 🙂

      Katulad ng lagi kong sinasabi sayo i’m just here to support you and to give advise basta masaya ka at alam mong tama ang magiging desisyon mo…

      🙂

  8. Pingback: my Blog’s fiRst «

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s