Ninong for ALL Season!!!

Isa sa mga sagradong sakramento at paniniwala nating mga Katoliko ang Binyag. Ito ay sakramento kung saan iniaalay ang batang bibinyagan kay Bro at binabasbasan upang sila ay maging ganap na anak ng Diyos at maging ganap na Kristiyano. At sa mga ganitong kaganapan hindi mawawala ang mga Ninong at Ninang. Sila daw ang mga magiging katulong ng magulang sa paggabay at magturo sa kani-kanilang inaanak bilang pangalawang magulang.

Naisip ko ang dami ko na palang inaanak sa Binyag at madami na din nakaline-up…waaaaah Mabenta yata masyado si Ako..Baket kaya? Hmmm... Hindi naman ako sikat at kuripot pa naman ako sa pakimkim...(joke lng!) hahaha So ang inisip ko na lang lubos nila akong pinagkakatiwalaan na maging pangalawang ama ng kanilang mga supling (Naks). Pero kahit hindi ko ka-close kinukuha pa din nila ako. Nagugulat na lang ako na may imbitasyon na ako ay magninong sa kanilang anak. Ano ba kaya talaga ang basehan sa pagkuha nila saken?hmmmm

Sa malalapit kong kaibigan halos lahat na yata sa kanila ay meron ng sari-sariling mga supling na talaga namang pagkacute-cute nila (parang si Ninong lang ah!).

Heto na sila….

Ninong for ALL Season na talaga ako…wahahaha


Advertisements

T.O.X.I.C.

Natotoxic ako…hayyyyy!!

Nakakapagod…

Nakakasawa…

Nakakalito…

I hope everything that we’re doing will end up well.  Super toxic na ang mga pangyayari…

I need some fresh Air!!!!! 😦

pahinga muna sa blog update……..

till then….

WISH US LUCK!! 🙂

Hanggang sa pangarap na lamang ba…

Pangarap.

Isang salitang nagbibigay kahulugan sa buhay ng isang nilalang. Pumupuno sa bawat  kakulangan, nagsisilbing lakas sa gitna ng isang kasawian, at maliwanag na pag-asa upang magpunyagi at magtiyaga para makamit ang inaatim na kasaganahan at kaligayahan.

Paano ba ang mangarap? May limitasyon ba ang bawat pangarap? Dapat pa nga ba tayong mangarap sa kabila ng kawalan ng pag-asa dulot ng mapanlinlang na kapalaran?

Sa mura nating kaisipan natuto tayong mangarap at umasa. Mayroong payak at mayroon ding mahirap abutin. Batid man ang pagsubok na dapat pagdaanan napatuloy pa din ang walang katapusan nilang pangangarap.

Subalit sa panahong kasalukuyan, ang pangarap ay nanatili na lamang isang pangarap dahilan ng mga pangyayaring lumalaganap sa mundong ating kasalukuyang  ginagalawan, sa mga awayang pampulitika, at sa walang kabuluhang pamamalakad ng mga taong pinagkatiwalaan na s’yang gagabay at huhubog sa pagkamit ng ating inaasam na pangarap. Ang mga pangarap na minsang nabuo sa batang kaisipan ay malimit na tuluyang maglalaho at maupos…

ang bangkang papel ay tuluyan ng lulubog hanggang sa malasog sa lupit malakas na agos…

ang manikang basahan ay mananatili na lamang marungis at pinandidirihan ng sinumang matatas na nilalang…

ang matayog na lipad ng saranggola ay biglaang bubulusok at babagsak sa putikan ng pagkabigo…

Bakit kailangan humantong sa ganito?

Sa pangarap na lamang ba…

At saan na tayo papatungo ngayon?

Maging makabuluhan nawa ang pagbabagong maidudulot ng panibagong pamumuno sa ating minamahal na bansa. Naway gabayan ng Panginoong Maykapal ang kaisipan at mga gawain ng bagong mamumuno at magsilbi sana siyang alab upang manumbalik ang mga nauupos na liwanag sa mga diwa ng  mamamayang walang magawa kundi ang umaasa at panghawakan ang kanilang mga natitirang PANGARAP!

PS:

Ito ay bilang tugon para sa paligsahan ni Ginoong J. Kulisap na may temang Malayang Kamalayan. Sa kaunahang pagkakataon napasali ako sa isang pasiklaban dito sa mundo ng blogging. 🙂