Ninong for ALL Season!!!

Isa sa mga sagradong sakramento at paniniwala nating mga Katoliko ang Binyag. Ito ay sakramento kung saan iniaalay ang batang bibinyagan kay Bro at binabasbasan upang sila ay maging ganap na anak ng Diyos at maging ganap na Kristiyano. At sa mga ganitong kaganapan hindi mawawala ang mga Ninong at Ninang. Sila daw ang mga magiging katulong ng magulang sa paggabay at magturo sa kani-kanilang inaanak bilang pangalawang magulang.

Naisip ko ang dami ko na palang inaanak sa Binyag at madami na din nakaline-up…waaaaah Mabenta yata masyado si Ako..Baket kaya? Hmmm... Hindi naman ako sikat at kuripot pa naman ako sa pakimkim...(joke lng!) hahaha So ang inisip ko na lang lubos nila akong pinagkakatiwalaan na maging pangalawang ama ng kanilang mga supling (Naks). Pero kahit hindi ko ka-close kinukuha pa din nila ako. Nagugulat na lang ako na may imbitasyon na ako ay magninong sa kanilang anak. Ano ba kaya talaga ang basehan sa pagkuha nila saken?hmmmm

Sa malalapit kong kaibigan halos lahat na yata sa kanila ay meron ng sari-sariling mga supling na talaga namang pagkacute-cute nila (parang si Ninong lang ah!).

Heto na sila….

Ninong for ALL Season na talaga ako…wahahaha


Advertisements

61 thoughts on “Ninong for ALL Season!!!

  1. dont wori arnie you are not alone!! inaanak ko din cla except ruwee & jamie. Ninang for all season din ang drama ko heheheh.. super cute ng mga babies nila!!

  2. Wahahaha, pareho tayo ng kapalaran, kapag may nakikita nga akong buntis natatakot na ako eh.

    Closed na ang applicatoin for this year. Naka-ilang paghawak na ako sa binyag this year, at sa july 4, meron ulit..pero ang isang ito ay espesyal…iniwan lamang ang batang munti sa harap ng gate ng aking kumare..at yon..isa ako sa magiging tatay-tatayan ng bata.

    • wahaha…ako din merong sched sa July 4….sa sakin maiclose ko na din ung application ngaun…hahahaha šŸ™‚

      wow kaibang experience yun ah…magiging mabuting tatay-tatayan ka sa kanya for sure…oh baka ikaw naman ung tatay talaga kuya jkul??? joke!!!

      morning~

  3. hahahaha ang dami mo ring inaanak… sabi nila bawal daw tumanggi is that true? šŸ˜€ malaki ka siguro mag-aginaldo… yung mga inaanak ko siguro bwiset sila ako ninang nila haha!

  4. Kyukyut! Youre right, ang saya maging ninong. I myself as a high school kid had already a lot of inanaks just cos my mom would transact this weird business haha

    new here btw

    • hahaha…oo nga I experienced the same way nung magninong ako sa una kong inaanak. It was my mother who really knows the kid but then ako pa din ang ginawang ninong without even knowing kung sino ba ung aanakin ko…..waaaaaaah

      hello po…thanks for dropping by.. šŸ™‚ balik ka…

  5. hang cute nong mga baby sa taas san sila pwedeng makita anong araw sila pumupunta sa playground or sa park? anong oras umaalis ung mga parents nyan? sa yaya lng ba naiiwan ung mga cute na bata na yan? anong address? ahahahaha

    napadaan lng bloghop hug kita sa blogroll ko ha šŸ™‚

    • ahahaha…natatawa ako sa comment mo…para bang kikidnapin mo sila..toinks

      oo nga kacute nila…

      salamat sa pagdaan sige ex-links…:-)

  6. hangcute ng mga bulilit!

    ako din marami rami nang mga inaanak. yung pinakauna kong inaanak, i was only 14 then nung kunin akong ninang. ngayon magtu-20 na siya. grabe! ang bilis ng panahon!!! at tumatanda na talga ako. hahahah

  7. ako din add mo po sa blogroll mo. add na din kita. nice blog bro. cute pa ng inaanak mo…. kaso selos ako brad. si geylii lagi nadalaw dito sa akin hindi hahaha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s