It Ends

Sa wakas natapos na ang madugo at malupit na bonus evaluation. hayyyy!!! After nato siguradong wanted na ako sa mga branches na babagsak…hahahaha

Umabot din ng dalawang linggo ang madugong pagbubusisi kung saan need ng matinding focus para maging fair para sa lahat ng mga karapat-dapat bigyan ng hinahangad nilang BONUS (yey!).

Puros numero at excel files ang binuno ko sa loob ng mga panahong yun…buti nakasali pa din ako sa patimpalak ni Kuya Jkul (sayang lang di ako nanalo…Aw!! Aarborin ko na lang ung relos kay Kuya Duking)

Nakakalungkot madaming di pumasa…tsk tsk! Pero sempre naging fair nman ako sa lahat…walang peborit peborit na branch, walang kaibi-kaibigan, walang wang wang at walang counterflow..hahahaha (toinks!)

Sayang nagiintay pa naman ako ng manunuhol sa aken kaso walang nagparamdam…Joke Lang!!!

Sa wakas natapos na din….

­čÖé

Petiks mode???

Hindi pa din pwede!!!

Pag-ibig ko Sayo: Noon, Ngayon at sa darating na Bukas

Sa pag-usad ng hindi mapigilang daloy ng panahon. Nandito ako patuloy na nagkukubli, natatakot at lubusang umaasa na iyong mabatid itong matagal na silakbo ng aking damdamin na noon pa man ay namumutawi at patuloy na sumisinta sa iyo aking Mahal.

Noon pa may nagsimula bilang magkaibigan ang nakasanayang turingan. Bawat oras ay sadyang nakalaan para sa kasiyahang walang humpay, tawanang malimit pa sa kampay ng alon sa karagatan at kulitang hindi mapipigilan. Ngunit bakit noon pa lamang ay hindi napansin ang iyong kaibahan. Hindi pa naaninag ang taglay mong kagandahan. ┬áBakit hindi tumimo sa aking puso’t isipan na ikaw na ang reynang pinakahihintay. Maituturing nga ba akong ┬ánabulagan sapagkat akin itong hindi nabigyan ng anumang kahalagahan. Nasa hulihan nga marahil itong sinasabing pagsisisisi. Paano ko pa maisisiwalat ang bugso ng pagmamahal na sa kanya lamang naranasan. Paano na maipapadama ang pag-ibig na ipinagkakatago.

Sapagkat ngayon ay naghihinanakit ang puso’t damdamin pagkat ang aking Mahal ay kalong na ng isang Kalaban. Lubos na paninigbuho ang labis kong nararanasan. Sinisisi ang sarili sa ginawang kapabayaan. Sa paanong paaraan ako maaring magwagi sa aking mortal na kalaban sa paningin ng aking minamahal? Kung ang magiging dulot nito ay kasawian at pagkamatay din nya.

Manhid na din akong maituturing sapagkat ako ay patuloy na sa iyo ay gumagabay. Ako ang sa iyo ay magpapayo sa tuwing mayroong hindi pagkakaunawaan sa relasyong ni minsan hindi ko inatim na mabuo. Ako ang iyong sandalan sa mga oras na siya ang wala sa iyong tabi. Nabubulagan ako? Oo at Hindi. Oo,  dahilan sa ganitong pamamaraan masasabi kong ikaw lang may karapatan dinggin sa panahon ng kasawian at kalungkutan. Maari ding hindi sapagkat bilang isang matalik na kaibigan marapat lang na ako ay manatili at gumabay.

Mahirap ngunit kailangan kong magparaya kung ito rin lamang ang makakapagpaligaya sa aking sinisinta.

Sakali mang dinggin ng Maykapal na iyong masuklian ang pag-ibig na nararamdaman.

Heto lamang ang aking maipapangako,

Pag-ibig ko sa iyo: Noon, Ngayon at sa darating pang Bukas ay mananatiling matatag, buo at walang pagdadamot.

——

Muli ito ay bilang tugon sa espesyal na patimpalak ni Kuya Jkul at Diwatang Gala.. ­čÖé