Pag-ibig ko Sayo: Noon, Ngayon at sa darating na Bukas

Sa pag-usad ng hindi mapigilang daloy ng panahon. Nandito ako patuloy na nagkukubli, natatakot at lubusang umaasa na iyong mabatid itong matagal na silakbo ng aking damdamin na noon pa man ay namumutawi at patuloy na sumisinta sa iyo aking Mahal.

Noon pa may nagsimula bilang magkaibigan ang nakasanayang turingan. Bawat oras ay sadyang nakalaan para sa kasiyahang walang humpay, tawanang malimit pa sa kampay ng alon sa karagatan at kulitang hindi mapipigilan. Ngunit bakit noon pa lamang ay hindi napansin ang iyong kaibahan. Hindi pa naaninag ang taglay mong kagandahan.  Bakit hindi tumimo sa aking puso’t isipan na ikaw na ang reynang pinakahihintay. Maituturing nga ba akong  nabulagan sapagkat akin itong hindi nabigyan ng anumang kahalagahan. Nasa hulihan nga marahil itong sinasabing pagsisisisi. Paano ko pa maisisiwalat ang bugso ng pagmamahal na sa kanya lamang naranasan. Paano na maipapadama ang pag-ibig na ipinagkakatago.

Sapagkat ngayon ay naghihinanakit ang puso’t damdamin pagkat ang aking Mahal ay kalong na ng isang Kalaban. Lubos na paninigbuho ang labis kong nararanasan. Sinisisi ang sarili sa ginawang kapabayaan. Sa paanong paaraan ako maaring magwagi sa aking mortal na kalaban sa paningin ng aking minamahal? Kung ang magiging dulot nito ay kasawian at pagkamatay din nya.

Manhid na din akong maituturing sapagkat ako ay patuloy na sa iyo ay gumagabay. Ako ang sa iyo ay magpapayo sa tuwing mayroong hindi pagkakaunawaan sa relasyong ni minsan hindi ko inatim na mabuo. Ako ang iyong sandalan sa mga oras na siya ang wala sa iyong tabi. Nabubulagan ako? Oo at Hindi. Oo,  dahilan sa ganitong pamamaraan masasabi kong ikaw lang may karapatan dinggin sa panahon ng kasawian at kalungkutan. Maari ding hindi sapagkat bilang isang matalik na kaibigan marapat lang na ako ay manatili at gumabay.

Mahirap ngunit kailangan kong magparaya kung ito rin lamang ang makakapagpaligaya sa aking sinisinta.

Sakali mang dinggin ng Maykapal na iyong masuklian ang pag-ibig na nararamdaman.

Heto lamang ang aking maipapangako,

Pag-ibig ko sa iyo: Noon, Ngayon at sa darating pang Bukas ay mananatiling matatag, buo at walang pagdadamot.

——

Muli ito ay bilang tugon sa espesyal na patimpalak ni Kuya Jkul at Diwatang Gala.. 🙂

Advertisements

117 thoughts on “Pag-ibig ko Sayo: Noon, Ngayon at sa darating na Bukas

  1. Pagbibigay..paghihintay…mahirap kalaban ang matalik na kaibigan na kung tutuusin sa salitang matalik ay may talik..may pag-iisa. ISALYA na yan.

    Diwatang gala, nais ko pong iprisinta si Teeto Arns at ang kaniyang pag-ibig na walang pagdadamot.

    Teeto, salamat.

    • marapat siguro na akoy maghintay muna kuya jkul gayong aninag ko nman sa kanya na masaya sya sa kasalukuyan…pokus muna ako sa ibang bagay… 🙂

      salamat at sana ito iyong nagustuhan diwatang gala at kuya jkul!

        • @ax hahahha…kanino kaya inlab si kuya kulisap…???

          nagdadrama lang nman ako dito sa pinost ko…baka sabihin nila…wahahahaha

          musta ka ax??

          • Holy cow! Feeling ko inlab yang si JKul sa isang blogger. Hoho. Hindi, joke lang. Makata lang talaga si JKul at mayaman at walang ginagawa sa buhay kaya gusto niya ng mga ganyan. Hoho.

            Ayos lang ako. Eto, kunyari maraming ginagawa pero nanonood lang sa youtube. Hoho.

            Kamusta ka?

  2. practice the art of waiting, pero kung sa tingin mo tatanda ka na sa paghihintay mabuti na rin sigorong pakawalan sya sa invisible na taling itinali mo.

    hello.. 🙂

    • opo mahirap mang isipin ngunit iyon lang sa ngayon ang aking dapat gawin habang humahanap sakali ng ibang mapagtutuunan ng pansin…ang tali ang mananatiling matibay hanggang sa panahong iyon… 🙂

      salamt po sa pagdalaw!!!

    • alam kong hindi ka naligaw at sadyang inihatid ka dito sa aking bahay blog ng tadhana…hehehehe me ganon!!!

      sige pwede mang istok…toinks

  3. aba… malay mo, may ligayang naghihintay sa iyong paggabay…hindi malayong mangyari, Arnie, lalo’t mananatili ang pagibig mo para sa kanya.

    goodluck, kapatid! sana may magandang tugon ang reyna ng iyong puso sa isinulat mong ito…mabasa kaya niya?

    • me pag-asa pa ate kaye….ahahahaha siguro hindi madaling palitan ngunit kung di man magtagumpay ang matagal na paghihintay doon din ako hahantong at muling hahanapin kung sino man ang nakalaan sa akin….

      hmmmmmm…sana mabasa nya po….

    • Salamat po lolo…alam kong alam nya kung saan ako liligaya kung hindi man para sa tinutukoy ko sa post patuloy pa din ako maghihintay….

      God Bless too!!! 🙂

  4. naks! wagas na pag ibig titoooo! ahaha. kaya pla ang billis mong nagawa kc my pinaghugutan! ahahhaa… isa kang dakila! nyayy… sweet mo pla titoooo =)

        • @arnie- titoo kc nalilito ako ano ipopost ko. ayoko ko kc ung una kong gnwa uber cheezy! ahaha..

          @geylii- nmiz dn kta,tgl mo kc nwla..hala bkit kaya? 😦
          geylii ano nga uli ym mo??

        • @ geylii- Kumadre ok lang naman…naiisip ko baka kumakahol ka na din???hehehehe sa susunod wag ka na papakagat sa aso ah o baka kaw nman na ang mangagat…joke!!

          @ kayedee- maganda pa din yan kung macheesy man o super ng tamis…basta galing sa iyong puso!!! sabihin mo kung meron na…. 🙂

          • @kumpadre – hahaha ! adeek ka wala man lang akong naramdamang pagkalinga mo haha!

            @te’kaydee – anu kasi eh, uhmm ok na ko hahah. mali lang mga focus ko ng mga nakaraang linggo. msyado na ko attach sa mundo dito. gaylee_taz23 po . ym us . haha

  5. Pingback: Sige Ihataw | Kayumangging Damdamin

  6. at ang nakabold lang ang sadyand naintindihan ko hayuuff naman na tagalog gamit mo sumakit ulo ko hahahaha ganon lang talaga parekoy keep the fire burning ika nga so it will last. hehehe

    • parekoy para maiba lang…toinks malamin ba ng konti ung tagalog ko…awhahaha

      malakas pa nman sa ngayon ang sindi at alab…wag sana bumagyo at humangin ng malakas at bigla akong mabagok…hahahaha

      salamat sa pagbasa!!!

  7. huwaw teeto. ganon magpaparaya ka talaga? maghihintay ka sa kanya? pano kung ikasal na sya at magkaanak na? mag iintay ka pa din na suklian ang pag ibig na ipinadadama mo sa kanya? hanggang kelan hanggang saan?

    ang ganda naman nitong post mo teeto. inspiring to be strong and pagpupursige sa pagmamahal

    • grabeh nman yun rich kid…sempre hangga’t my pagkakataon at malaya pa sya…toinks

      teka bago si teeto yun para sayo asan na??hahahaha di mo pa pinakikilala saken ah… 🙂

      salamat at nagandahan mo sya…hehehe

    • hello po kaplurk ate jong…napapansin nman siguro nya ang feelings ko sa kanya but then everything goes so weird kapag magkasama na kami….. 😦

  8. tito nakarelate ako ng sobra
    nadanasan ko din yan magsusumbong dahil nag-away sila tapos naman hindi daw siya minsan nakatanggap ng bulaklak nung sila pa hindi tulad ng kami ahahah nirelate ko talaga

    basta tito and pagmamahal ay mapagpalaya nakita ko sa pag-ibig na meron ka na walang halong galit…
    mag-abang
    maghintay
    didinggin ng Diyos ang iyong mga panalangin at ipapadala niya ang nararapat sa iyo!
    be blessed tito!

    • andami nga daw nakakarelate dito kuya pong…ibig lang sabihin maraming nagmamahal ng totoo…ayeeeeeeeeeh..

      tama! abang lang ng abang..,

      salamat kuya pong…

      be blessed too!!

  9. naks~mukhang ang lalim ng pinaghugutan~~
    noon ngaun at darating na bukas hanggad ko ang iyong bonggang bonggang kaligayahan sa iyong minamahal~~hehehe

  10. magandang umaga sa’yo pare. nagbasa po ng entry at pumuntos. Mahusay po ang pagkakasulat.. somhow similar to John lloyd/Bea movie na close to you. hehehe!

    • mabuti nman ay masaya na ang bestfriend mo kuya at sa tingin ko naman masaya ka na din… 🙂

      mabuti ng magparaya lalo na kung mas sasaya sya dun… 🙂

    • nakakalunod talaga…natatawa nga ako kasi bakit ganto naging pagkakasulat ko…wahahahaha

      WELCOME WELCOME sayo Vajarl…ako’y natutuwa at nadalaw ka na din dito sa aking bahay… 🙂

      teka lalake ba ang gusto….waaaaaaaaaah pili ka na lng kung sino sa sidebar ko… 😀

  11. Nakiraan po at nakibasa..bakit nga ganun noh? kailngan mong pakatitigan bago mo malaman na nadyan lng pala sa malapit ang mtgal mo ng hnhap..ingat po..

  12. tulad ng sabi ko sa aking text sayo. ako din ay naranas ng bagay na iyan. umiibig ako sa aking matalik na kaibigan. weird no pero kala mo best lang kayo pero pag nababale wala at di mo na siya kasama may parte ng buhay mo na kulang ang kaso wala kang mgawa kasi nakatatak sa isip mo na best kayo.

    boss isa ito sa pinakamagandang entry na nabasa ko. sobrang nakarelate ako…. namis ko tuloy si bhez… hays……….

    • ayun oh si berl dumadrama na din…hehehe teka asan naman na ang iyong bhez??? may asawa na ba sya?? ninong ka ba sa anak nila??? toinks

      sige dahil dyan inuman na….lashingan na…inom na tayo ng pineapple juice….lol 🙂

  13. Minsan masakit isipin na kapag sinabi ni Bro na hindi pwede, hindi pwede. May rason siya na kadalasan hindi naten alam. Ang pwede na lang nating gawin e magkita kita sa finals.

    Finals = Kabilang buhay

    😀

  14. NADAAN SI YIN. NAGBASA. NAGHANAP NG KAPE. KULISAP MAGBABAYAD KA NG MAHAL. DALHIN MO KO SA TUKTOK NG SUSONG DALAGA.

    NA-RATE KO NA. DI NA KO KOKOMENTO.

    (GANITO LAHAT NG KOMENTO KO SA ENTRIES. ANG IMPORTANTE MABASA AT MAINTINDIHAN KO YUNG KUWENTO AT MA-RATE NG MAAYOS AT MATAPOS BAGO AKO HIMATAYIN SA GUTOM, HAHAHA)

    perstaym ko dito sa crib mo kuya arnie. padaan.

    • awww…naubos ung kape ko dito weh…pwede ba beer??? joke lang!!!

      salamat sa pagdalaw yin!! ipaghehele na kita d2 sa crib ko… 🙂

  15. napakamahiyain ng pag-ibig mo,arnie.

    sabagay,may panahon para sa lahat ng bagay.ganun din sa pagpapayabong ng damdamin.kaso nga lang,may panahon din para sa taglagas.at iyon din ay panghihinayang.

    kung handa ka na,ihayag mo na.

    goodluck,arnie!

  16. Bakit si Mar at Korina ang pumasok sa isip ko nang mabasa ko ang pamagat. 😐

    Hmm… Mahirap ang sitwasyon, good job kung nahahandle mo ito sa maayos na paraan. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s