3 years na pala…

*Flashback*

October 23, 2007

Day after ng board exam…hayyy! Kabado ang kaming lahat…tug tug tOg ang mga dibdib namin dahil lalabas na ang resulta ng pagsusulit na halos limang buwan din naming pinaghandaan sa review…

Ito na yata ang pinaka nakakatakot, pinaka matagal, at pinaka mahabang sandaling paghihintay…

Sa loob ng limang buwan na pagsusunog ng kilay at pagbabasa ng nagkapalang libro at magbilang ng milyong milyong numero ay huhusgahan lang sa loob ng isang araw…Labing-isa kaming magkakasama lahat ay walang imik habang inintay ang pagdating ng hapon kung kelan ilalabas ang naging resulta ng madugong pagsusulit…

Hanggang sa heto humahangos ang isa naming kasama galing sa review center…

Bro: Arn, congrats!! (pero malungkot na pagkakasabi) dalawa lang kaung nakapasa…(shetteeeeee!)

Ako: (nanatiling walang imiK)

Bro: Wag mo munang sabihin sa iba na lumabas na…Magkuwari ka munang wala ka pang alam at punta na tayo ngaun sa ReSA…

Ako: (umayon na lang ako sa kanya at dagliang pumunta kung saan makikita ang resulta)

Habang naroon kami…shet Meron ng mga umiiyak, merong di maipinta ang mukha sa kabiguan at sempre ang naglulupasay sa kaligayahan….hohoho (pero ako tahimik pa rin)

hanggang sa makita ko na ang listahan…

2000. SEBASTIAN ARNIE DE JESUS

Wooooow!!!! Natuwa ako pero di nman maxadong nagpahalata coz i feel also for my friends who didn’t make it…

Tawag agad ako sa bahay nakausap ko si tatay (Bday nya din non):

Tay: Hello! Kamusta dyan…

Ako: Happy Bday tay! TAY CPA NA AKO!!!hehehe

Tay: Ano???? DI KA PUMASA!!! (Nabingi ata pero natawa talaga ako dito!!)

Ako: Hindi po…Pasado ako!!

Tay: Ay ganon ba… SALAMAT! Kaw ang unang CPA dito sa baryo natin…

(Medyo naluha ako nung nadinig ko toh dahil napatunayan ko at nabigyan ko sya ng magandang regalo sa Kaarawan nya…)

—-

Nakakatuwang alalahanin ang mga nangyari non hanggang sa makalipas ang tatlong taon…

Happy Birthday Tatay and Happy Anniversary sa akin!!!ahahaha



Advertisements

Wow umeksena sa NAIA3!!!

September 21, 2010, schedule namin pumunta sa Bacolod City to conduct some sort of external/diligence audit…Wow excited kaming tatlong magkakasama since first time namin lahat makapunta sa Bacolod, the City of Smile.

Ganon na nga…so sasakay kami ng erpleyn para makapunta sa aming destinasyon…Tanghali ang aming flight kaya expected na ang maraming mga passengers kaya maaga kaming pumunta sa airport ahead sa schedule time…At nang makarating at makapagcheck-in na kami pumunta na kami agad sa waiting lounge para hintayin ang boarding….

at eto nga ang tumambad sa aming mga mata…Shaks!!!

dami daming tao…

sa gilid gilid na lang nakaupo ang iba at kami nman eh nakatayo na lang habang nagmamasid masid…

Nang mapadako ang aking mata sa KANYA…

Reyna ba???

Imagine prenteng prente syang natutulog…hahaha