Wow umeksena sa NAIA3!!!

September 21, 2010, schedule namin pumunta sa Bacolod City to conduct some sort of external/diligence audit…Wow excited kaming tatlong magkakasama since first time namin lahat makapunta sa Bacolod, the City of Smile.

Ganon na nga…so sasakay kami ng erpleyn para makapunta sa aming destinasyon…Tanghali ang aming flight kaya expected na ang maraming mga passengers kaya maaga kaming pumunta sa airport ahead sa schedule time…At nang makarating at makapagcheck-in na kami pumunta na kami agad sa waiting lounge para hintayin ang boarding….

at eto nga ang tumambad sa aming mga mata…Shaks!!!

dami daming tao…

sa gilid gilid na lang nakaupo ang iba at kami nman eh nakatayo na lang habang nagmamasid masid…

Nang mapadako ang aking mata sa KANYA…

Reyna ba???

Imagine prenteng prente syang natutulog…hahaha

Advertisements

45 thoughts on “Wow umeksena sa NAIA3!!!

  1. ahahhaha.. maraming eksena sa ibat ibang airport.. minsan.. cool, minsan.. hano bayun!!.. minsan wow danda!!, minsan.. wooohhh teka sana di ko sya katabi sa plane :), minsan mukhang mamamalengke lang sila.. ahahha.. marami pa.. napakadami!!

    at may pics sana akong ebidens.. kaso OA na ko nun wahahhaahha..

    ako kaya ano itsura ko sa airport?

    • bwahahaha..onga madaming itsura at tanawin sa airport madaming magaganda sempre baka isa ka na don sa mga nakita ko ate,,,,naks

      pero gayunman dapat nakisama si ateng reyna…pwede namang matulog ng nakaupo….shaks :-))

  2. baka naman nabili niya yung wait… (counting the chairs) 4 chairs sa NAIA

    ok lang yun Tito Arns para gising siya all the way nung biyahe niyo!

  3. hmn.. nice.. parang ayokong bum iyahe pag ganyan ang aabutan ko sa erport.. hahaha!! more like a bus station?.. hehehe, biro lang! 😀 *kaway! mema lang.

    • waaaah…masaya pa rin nman magbyahe…nagkataon lang sigurong madami kami non…

      buti nga walang naglalako ng mineral at mani at chicharon…lol

  4. walang paki-alam sa mundo ang taong himbing sa pagtulog.

    natutuwa ako sa taong nakakatulog agad kahit saan lang.nangangahulugan yun na sadyang pagod lang sila o walang kung ano anong sumusundot sa budhi nila.

    ah…kapayapaan.kahit pa nga sa gitna ng NAIA.hahaha!

    • waaaaaah…wag ka nman mahate magtravel….kasaya kaya…hehehe lalo na kung makikita ko ang magagandang views tapos sempre posing kung posing…

      daan ka lang lagi..

  5. NAIA3 yung bago ‘di ba?! bakit ganyan, andame tao!? agoy, ganyan ka na kasikat Sebastian, dinudumog ng mga tao ang mga lugar na pinupuntahan mo… ikaw na… ikaw na…

    • yep yep dun nga marK!!! kanina medyo ganyan din sa naia 2…hahaha talaga madami akong fans lagi akong sinusundan…hanep…

      taga bicol ka ba???

      • ang aking amain ay taga-bicol, sa legazpi kami. ikaw ba’y taga-saan?! pero ang nakakatuwa ay mas marunong pa akong mag-bisaya kaysa mag-bicolano. in short, isa akong bisa-kol!

        • ako eh purong tagalog…taga nueva ecija lang po ako nagkataon lang na kinailangan sa aking propesyon ang maggala gala sa kung saan na minsan di maganda ang salubong at minsan plastikan pa…wahahaha

          anyway thats the reality sa mga auditor na tulad nmin…poker face na lang….

  6. ang bait ng mga tao. kung ako yun gigisingin ko yun at ipakikita ko sa kanya kung gano naman nakakahiya sa aming lahat yung hitsura niya. haha! ang bait ko talaga.

    • ahahaha…lalapitan ko nga sana kaso ako pa talaga ang nhiya kung gigising klo pa sya…ahahaha

      kamusta ang ate??? wala ka ng sakit???

      ingats lagi… God Bless!

      🙂

  7. Mismo, ang mga tulog kanila ang upuan. Walang maglalakas loob baka maubusan ka ng hininga.

    Nandon ako’t nakasalampak lang sa sahig,samantalang sila..kulang na lang ang scented candle, payapa ang kanilang tulog sa upuan.

    Delayed kaya ang flight? Wag naman…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s