Sana ngayong Pasko…

Sana ngayong Pasko madinig ni Santa Klaus ang mga uber simple kong kahilingan… 😀

wisha wisha wish wish wish…hmmm

Sana sa darating na Pasko isang araw matapos ang Bertday ko ay…

…meron mabuting taong magbibigay free tour (all expenses paid) sa US for three ah para me magdate kami nila nanay at tatay.

…kung sakaling di makaya ang nauna pwede na rin ang free tour sa Boracay at Batanes Island para sa apat para happy.

…meron din magbigay sakin isang pair ng Nike shoes samahan na din ng jacket, cap at jersey.

…merong mabuting pusong magbibigay sa aking ng sport watch di ako mapili basta magandang brand.

…meron magandang chicks na sasamahan akong kumpletuhin ang 9 na simbang gabi sabay kakain ng bibingka at puto bumbong aftewards.

…merong magdodonate ng konting tulong para sa project namin this xmas season for the orphans…(please!)

Sana madinig ng napakaraming santa ang mumunti kong hiling…hohohoho

Para sa Make a Wish List Raffle ni Salbehe

Anyare?

Ano ba meron sa araw na ito?

Late ako nagising kaya nalate din ako ng pagpasok sa office…

(KASE sana ginawa na ding holiday ang monday! Nanalo naman si PACQUIAO!)

Habang nasa office…Ang weird ng mga nangyayari...Shete!

Parang ang dami kong iniisip…

Parang ang dami kong dapat gawin pero wala naman…

Ambigat sa pakiramdam ko….

Lahat na ata ng negative vibes nakuha sa araw na ito… Bakit kaya??

Inis, galit, masaya, tinatamad, seryoso….ahhh basta moody ako ngaun…

Parang gusto ko maglasing at kumanta hanggang sa mapaos at wala ng lumabas na boses…

Parang gusto kong umuwi at matulog…

Para gusto kong lumabas kasama ng mga Barkada ko tuloy Joyride hanggang madaling araw…

Bakit kaya??

Hayyyyyyyy

Anyare??

Kausapin ko na lang ulit si Mr. Moon….