Anyare?

Ano ba meron sa araw na ito?

Late ako nagising kaya nalate din ako ng pagpasok sa office…

(KASE sana ginawa na ding holiday ang monday! Nanalo naman si PACQUIAO!)

Habang nasa office…Ang weird ng mga nangyayari...Shete!

Parang ang dami kong iniisip…

Parang ang dami kong dapat gawin pero wala naman…

Ambigat sa pakiramdam ko….

Lahat na ata ng negative vibes nakuha sa araw na ito… Bakit kaya??

Inis, galit, masaya, tinatamad, seryoso….ahhh basta moody ako ngaun…

Parang gusto ko maglasing at kumanta hanggang sa mapaos at wala ng lumabas na boses…

Parang gusto kong umuwi at matulog…

Para gusto kong lumabas kasama ng mga Barkada ko tuloy Joyride hanggang madaling araw…

Bakit kaya??

Hayyyyyyyy

Anyare??

Kausapin ko na lang ulit si Mr. Moon….

Advertisements

20 thoughts on “Anyare?

  1. kasi… ibig sabihin, hindi naka align ang mga bituin sa iyong paligid ngayon..

    ganyan ang buhay,m

    weather weather lang. hahahaha

    San Mig Light nga diyan o…. hehe.

    go back to moon boss…. haha.

    • tomooo boinks…

      isang bucket lang toh ng San Mig Light o pwedeng Red Horse na lang… πŸ˜€

      magaling ka din pala sa astrology..hahaha

    • Nakow paktay don kuya…buwanan kang dinudugo? omaygad!

      medyo ok na pakiramdam ko kaso me pumalit nagka sprain ako sa paa… 😦

    • tommooo ate joyo..sa tingin ko sinumpong nga ako kaninang umaga…lahat ng makita ko parang naiinis ako…buti nakapagtimpi pa din ako ng konti… πŸ˜€

  2. mabuti na lang nandito ako sa baguio malayo sayo.. kundi baka nabigwasan mo na ko dahil malamang kinulit na kita ng bonggacious..

    hmmmmm hindi kaya red alert ka? or baka naman jontis ka at kaya ka nagiging moody.. jusko! hirap pa naman nyan.. hahahaha

    seryoso, minsan ganyan talaga.. alam mo ung woke up n the wrong side of bed.. tas mula pagbangon mo, walang-wala ka na sa mood at samu’t-sari na mga nararamdaman mong negativities.. na para bang nagjoint forces lahat ng negative vibes sa buong universe at inikutan ka.. may mga araw na talagang ganyan.. ayos lang un.. lilipas din yan.. may bukas pa.. bukas pag gising mo iba na yan..

    sirkol nga ang buhay eh diba? πŸ˜›

    • nakalipas na din sya….sandali lang naman akong sumpungin kasi narerealize ko na sa bandang ako lang at ako lang ang maapektuhan ng pakanegative ko…

      uu dapat walang nakalapit saken na makulit pag ganyan kasi ayun nagwawalkout lang ako pag sobrang inis ko na….

  3. hala. anyare? napansin ko nga rin to sa plok. ok ka na ba ngayon?

    ako, ganyan palagi ngayong mga panahong ito, pero pinipilit ko ang sarili kong maging positive. sa dami ng trabaho at mga taong bwisit sa paligid mo, ang dali talagang mainis. hay.

    • ayun po masyado lang akong sensitive at sinusumpong na parang nasapian ng kung ano lang…

      opo back to normal na po ako ulit pero medyo nadadalas na rin akong magagalitin at sumpungin…hehehe

  4. lunes!!! ahahaha!!! nakow… lahat yata ng araw ayaw sa lunes… lol… hmn…

    The name of Monday is derived from Old English MōnandΓ¦g and Middle English Monenday, which means “moon day”. – Wikipedia.

    Ikaw na ang nasa pasumpong sumpong na Moonday!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s