May nagtxt kaya?

Iniisip ko kagabi ano kaya ang maisulat ko sa blog ko this March. Wala naman pumapasok sa utak ko na pwede kasi puros lapses at audit exceptions pa rin ang nasa kukute ko sa dami ng pending reports na dapat kong tapusin at ireview… 😀

Kanina maganda ang aking gising dahil sa malapit lang ako papasok so gumising ko ng 6:30am at bumangon ng 7:00am…Nagmumuni-muni muna. Bakit ba?

Matapos makagayak umalis na papasok sa office…Nagtricycle at tapos nagjeep na ako.

Habang nasa jeep. ..

Inilabas ko ang cellphone ko para tignan baka meron nag greet sa akin ng “GOOD MORNING” pero sad wala..toinks

Si manong na katapat ko e super lakas ng ringtone…nakakagulat NOBOBY NOBODY but YOU ang call alert tone nya at GUN SHOTS naman ang text alert na parang me giyera sa loob ng jeep dahil nakafull volume pa kanyang cellphone.

Hanggang sa nakapara na ako at di napansin na naiwanan ko pala ang precious cellphone ko na meron pang tumatagiting na 500 pesos sa lalagyan. OH shetttt.

Nakakalungkot.

Nanghihinayang ako sa number ko na nung college ko pa gamit. :((

Lagot ako kay jezonhamster kasi kakalat na ang scandalous video nya na Faithfully. Wala ng panama si Bugoy at malalaos na si Jovit kung sakaling kumalat ang video nya…  :))

Sa nakapulot sana maging deserving sya gaya ng sabi ni Boss…

isipin mo na lang need ng nakakuha ng pera at bonus na lang ang cellphone.

—–

Advertisements

18 thoughts on “May nagtxt kaya?

  1. 😦 sabi ko kase send mo na saken yung video. ayan wala na tuloy 😦

    pero ang swerte swerte ng makakapulot nyan dahil ibebenta nya ang phone sa masmataas na halaga sa mga gang. magiging GSM na ang cp mo. “galing sa magnanakaw”. pero yung sayo pala eh naihulog mo o namisplace mo sa jeep. di kaya yun ang naipambayad mo sa jeep?

    yung limandaang piso 😦

    good morning tito!!! kung nagtext pala ko nung umaga baka ma special mention ako sa blog mo…

    “nagtext si jasonhamster ng goodmorning tapos namisplace ko cp ko”

    Kung sakali ako salarin.

    whew.

    • panira kasi ung tones ni manong nawala tuloy sa isip ko ung cellphone ko sa lap…:((

      ung scandal mo nasa leptep ko pala.. :))

  2. Kung mag sun ka na nag gogoodmorning ako every morning. Haha.

    Bili ka na ng bago tito. Parang pag ibig lang yan. Para maka move on, maghanap agad ng kapalit! Bwahahahaha.

  3. awts naman. Nanalo ka sa lotto ng kamalasan. Bwenas nung nakapulot. Sa panahon ngayon na gipitan, malabo na bumalik yun.
    Lesson: ibukod yung pera sa cp, para di ma dobol hit.

    Move on! 🙂

  4. awwwwwwwts
    lately andaming nawawalang ng cp, at least yung sa iyo naiwan mo
    masakit yung masnatch di ba.
    di bale mayaman ka naman kaya yun bili na ng bago tito.
    XD

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s