Elemento ng Kalikasan

MAYUMING HANGIN

I

Sa init na aking nadarama

Iyong haplos ay sadyang nakakahalina.

Waring pagdaloy sa tubig sa batis

Tumutunaw sa uhaw na kanina pa iniinda.

II

Kapag ikaw ay nagsimulang sumayaw

Atensyon ng lahat siguradong iyong mapupukaw.

Sa saliw ng tunog nitong kalikasan

Pagindak mo’y lubos na walang makakapantay.

III

Ngunit ngayon aking nadirinig

Malakas na panaghoy nagmumula sa kanyang tinig.

Mayuming hangin ay naghihinanakit at di mapigilang tumangis

Kagagawan ng mga taong malulupit, kaluluwa niya ay unti-unting pinupunit.

IV

Sariwang hangin wag mo sa amin ipagkait

Mayumi mong kulay ay wag sanang mawawaglit.

Mata ng kapwa-tao’y sadya yatang nakapikit

Kasalanan nya ay hindi man mabigyang silip

V

Ganti mo’y unti-unti ng nadarama

Masindak man kami’y parang huli na.

Lamig ng mayumi mong haplos

Lagi ng sambit na sana lang ay muling nang magbalik.

oOo


MAPAGLARONG APOY

I

Dingas mong napakakulay

Pula, asul at merong pang dilaw.

Sumasaklaw sa kabuuan nitong bahay.

Lubos na init ang siyang tinataglay.

II

Nagbabaga mong apoy,

lumuluto sa ulam kong Pinoy na Pinoy

Sarap nitong sinigang na baboy

Tiyak pawis mo’y dagliang dadaloy.

III

Mabuting kaibigan lalo na kung maginaw,

Subalit kapag nakaaway ay lubos na pumapatay.

Kaibigan man o kaaway, tiyak na ikaw ay walang malay

Alab mo’y natatanging regalo mula sa Maykapal.

IV

Sabi nila, “Manakawan ka na lang H’wag lang Masunugan”,

Tama nga s’yang tunay.

Pagkat buhay ay inalay mabuo lamang itong tahanan

Ngunit sa isang iglap nawala na lang ng walang paalam.

V

Apoy na walang malay,

Kapabayaan ng iba’y huwag sanang gawing patnubay.

Maraming buhay na dagliang nasayang,

Tumupok sa minsang masayang tahanan.

oOo

ANINO NG TUBIG

I

Balon ng buhay iyong pinupunan,

Daloy mo ang pinakakahintay ng mga punla sa bukid ni Tatay.

Tanim niyang Gulay ang ani ay umaapaw,

Ngiti ni Nanay laging lumilitaw.

II

Gamit mo sa amin walang papalit,

Buhay ng lahat ng nilalang ay sayo na nakakapit.

Wag sanang dumating panahon na iyong ipagkakait,

Dahil buhay namin ay paniguradong mawawaglit.

III

Sa iba’t ibang lugar anino mo’y matatanaw,

Sa dagat, sa ilog, sa lawa at pati na rin sa kanal.

Ngunit anyo nila’y biglang nagkaiba,

Dumi na tao ang s’yang umalipusta

IV

Ganti nga ba sa amin iyo ng binibigay?

Barko sa dagat ay inulubog ng iyong kampay.

O tubig kami ay wag pagdamutan,

Dulot ng El Nino ay labis ng pinagsisihan.

V

Si bagyong Ondoy din ba ay iyong ganti?

Lumunod sa mga taong hindi naman lahat ay mayroong sala.

Malapot na putik iyong iniwan,

Matitigas na mga  bangkay sa kalsada ay naglutang.

VI

Anino mo sa amin ay ligaya ang hatid,

Pag lumisan ka kami ay magsisitangis.

Ipagpatawad ang aming hindi pag-alaga ng labis,

Nagbunsod tuloy sayo upang puminsala at kumitil.

oOo

Sponsored by:


40 thoughts on “Elemento ng Kalikasan

  1. huwaw. is this the you talaga uncle?

    how cool!!!

    hahahahaha

    medyo natawa ko sa sinigang na baboy di ko alam kung nang-aasar ka lang o ano e

    kala ko din, tungkol to sa paglalaro ng apoy. yikes!

    o yeah ang galeng galeng ni teeto oh!!! tumutula,makatang-makata!

    • oo pamangkin si angkol mo nga ito….hehehe

      eto na ang pramis ko sa inyo ni tsi na gagawa ako ng post…

      teka bat nman gusto mo ng larong apoy bawal sa bata yun baka makasunog ka pa…maging hamster lechon de leche ka pa…peace!!!

      Thanks much!! :-)

    • thanks kuya bernard… :-)

      gawan ko din ng tula yung huling elemento…para maganda pero baka sa mga susunod na post na sya baka madisqualify kasi pag apat…hehehe
      :-)

    • yey! kuya pong is here..

      naivote na din kita sa PEBA…hehehe kaso di ko pa natapos basahin post mo..(halfway pa).. :D

      onga need kasi tatlong tula lang…hehehe

      thanks thanks and God Bless you too!!!

  2. ako ay sadyang naaliw at nagulat. Diyata ang aking tito ay isang tunay na makata hehehhee.

    Galing Arn!!! Goodluck!! Sana manalo ka pra bigay mo sakin price hehehhe.

    • tenks sa laging pagdaan…hehe

      nagbase lang ako sa mga kasalukuyang nangyayari sa mga kapabayaang ginagawa ng iba kaya humahantong sa malupit na mga sakuna….

      salamat ulit… :-)

  3. ‘hangin…tubig…apoy…lupa…

    nung unang panahon,mapayapang nabubuhay ang apat na nasyon hanggang sa sumalakay ang fire nation.ang avatar lamang na may kakayahan na kontrolin ang apat na elemento ang makakapigil sa kanila…subalit ng panahong iyon,bigla syang nawala…”

    hehehe! magaling na lahok!!!goodluck,arnie!

    • Kala ko si katarra na ang nacomment…hehehe

      Kuya Duking tama siguro maikukumpara na ung mga responsable sa mga pagalipusta sa kalikasan sa mga Fire Nations…Malupit, walang awa at walang hinangad kundi pansariling kapakinabangan…

      salamat kuya duking!!! gudluck sa atin lahat!!!
      :-)

  4. isa kang makatang tagapagsuri…nasuri mo ang kahinaan at kalakasan ng kalikasan at higit sa lahat ang magagandang dulot nito sa atin kung gagamitin natin ito ng tama…
    magaling magaling magaling!!!

    • hanglalim ng komento mo emac…

      onga parang sa isang bagay na ginawa para sa isang natatanging kapakinabangan dpat malaman ng bawat isa kung paano ito magagamit ng wasto na hindi kailangan mawasak….
      :-)

  5. Pingback: Ako naman ang magsusulat… « HIBANG {tagni-tagning ideya}

  6. Maligayang pagbati po! Umaasa po ako na maghahatid sa inyo ng tuwa ang aking pag-kabit (link) ng inyong sapot-lugar (web site), kasama ang lahat ng kasali sa Saranggola Dos, sa aking 2Rivers na kung saan lahat kayo ay malugod na inaanyayahan. Maaari din po ninyong ikabit ang inyong sapot-lugar sa MukhaLibro Pader (Facebook Wall) ng inyong likod. Tara, tena! Sumasainyo ang Pwersa at mabuhay ang panitikang Pilipino! Lubos na gumagalang, Jonathan Aquino

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s