Hanggang sa pangarap na lamang ba…

Pangarap.

Isang salitang nagbibigay kahulugan sa buhay ng isang nilalang. Pumupuno sa bawat  kakulangan, nagsisilbing lakas sa gitna ng isang kasawian, at maliwanag na pag-asa upang magpunyagi at magtiyaga para makamit ang inaatim na kasaganahan at kaligayahan.

Paano ba ang mangarap? May limitasyon ba ang bawat pangarap? Dapat pa nga ba tayong mangarap sa kabila ng kawalan ng pag-asa dulot ng mapanlinlang na kapalaran?

Sa mura nating kaisipan natuto tayong mangarap at umasa. Mayroong payak at mayroon ding mahirap abutin. Batid man ang pagsubok na dapat pagdaanan napatuloy pa din ang walang katapusan nilang pangangarap.

Subalit sa panahong kasalukuyan, ang pangarap ay nanatili na lamang isang pangarap dahilan ng mga pangyayaring lumalaganap sa mundong ating kasalukuyang  ginagalawan, sa mga awayang pampulitika, at sa walang kabuluhang pamamalakad ng mga taong pinagkatiwalaan na s’yang gagabay at huhubog sa pagkamit ng ating inaasam na pangarap. Ang mga pangarap na minsang nabuo sa batang kaisipan ay malimit na tuluyang maglalaho at maupos…

ang bangkang papel ay tuluyan ng lulubog hanggang sa malasog sa lupit malakas na agos…

ang manikang basahan ay mananatili na lamang marungis at pinandidirihan ng sinumang matatas na nilalang…

ang matayog na lipad ng saranggola ay biglaang bubulusok at babagsak sa putikan ng pagkabigo…

Bakit kailangan humantong sa ganito?

Sa pangarap na lamang ba…

At saan na tayo papatungo ngayon?

Maging makabuluhan nawa ang pagbabagong maidudulot ng panibagong pamumuno sa ating minamahal na bansa. Naway gabayan ng Panginoong Maykapal ang kaisipan at mga gawain ng bagong mamumuno at magsilbi sana siyang alab upang manumbalik ang mga nauupos na liwanag sa mga diwa ng  mamamayang walang magawa kundi ang umaasa at panghawakan ang kanilang mga natitirang PANGARAP!

PS:

Ito ay bilang tugon para sa paligsahan ni Ginoong J. Kulisap na may temang Malayang Kamalayan. Sa kaunahang pagkakataon napasali ako sa isang pasiklaban dito sa mundo ng blogging. 🙂

41 thoughts on “Hanggang sa pangarap na lamang ba…

    • hahahaha..

      bakit naman jason??

      ano ba ang masasabi mo sa nasulat ko???

      ako may sapi..hmmmm parang sinapian nga ako ng kung ano habang pinipindot ko yung keyboard hanggang sa matapos ko sya…

      ano ang ung judgement???

  1. Pingback: PASIKLABAN | Kayumangging Damdamin

    • tama kuya pong dapat hindi tayo mawala ng pag-asa sa gabay ni Bro…we just have to wait for His good plans for us!!!

      good morning kuya pong!!!

  2. pangarap, yan nalang daw ang libre ngayon..

    ako sobrang dami kong pangarap na hindi ko alam kung maisasakatuparan kopa ang mga ito, o hanggang pangrap nalang ba siya.. hays..

    nice entry tito.. 🙂

    • hello ate len!!!

      tama! yan na lang ang libre sa ngayon ngunit parang nawawalan na din ng gana ang iba nating kababayan abutin at pagpunyagian ang minsang pinangarap na bagay…

      dapat hindi tayo sumuko at patuloy na suungin ang ating kapalaran at makamtan anumang pangarap sa buhay!

      nanose bleed na ako!!wahahahaha

      ang lalim!!!!!!!!

      gandang umaga ate len!!!

  3. Hello! Kuya ba itatawag ko sa’yo o Tito? hehehe..

    Ang galin! nakatuon sa pangarap ang lahok na ito. Oo nga no, hanggang pangarap na lang ba?

    Pasasaan ba’t mayayakap narin natin ang ating kaniya-kaniyang pangarap.

    Padaan at pakoment po!

    Ingat at Godbless!

    • tawagin mo na lang akong Kuya…hehehe

      oo nga..malaking katanungan na sana ay mabigyan ng kasagutan…

      salamat at nagustuhan mo ang lahok ko…apir!

      • O’nga, mukhang mas ok yun. Tutal hindi naman nagkakalayo ang ating edad sa isa’t isa. Hehehe

        Oo nga, kahit sa ating mga sarili man lang ay mahanap natin ang kasagutan.

        Walang anu man po! Approve! 2 thumbs pa nga eh! hahaha

        • hehehe..bata pa nman din ako nabansagan lang akong tito nung college kea ayun..hahaha

          paniguradong dadating lahat ng kasagutan at sana’y maging matatag tayo hanggang sa dumating ang panahon na iyon…

  4. hello arnie.

    tinutunghayan ko yung mga lahok dun sa pasiklaban pero hindi ako hurado.lilinawin ko lang.hehehe!

    common ground ang pangarap sa tingin ko.dito,walang maaaring sumaklaw sa lawak o kapayakan ng kaya mong abutin.maraming magagandang bagay ang nagsimula sa pangarap.

    kahanga hanga yung mga hindi sumuko dahil lang sa mga hadlang na humarang sa kanila.marami na tayong kwentong nagpatotoo sa mga pangarap na natupad.malamang pa nga,bawat isa sa atin ay may mga sariling pangarap na natupad natin sa kabila ng mga hadlang.

    ang ganda ng lahok mong ito.magandang araw.kinagagalak kong naparaan dito.

    • salamat po sa magandang iyong komento at nagagalak po ako na ito’y iyong nagustuhan…

      naisip ko din na minsa’y sa pangarap ang isang kabayanan ang nagiging isa sa paghangad ng kaganapan ng kanilang ninanais…tulad na lng ng matatagumpay nating kababayan maging sa tropeyo sa sports o pagkilala sa ibang nayon.

      magandang araw:-)

  5. wag kang mapagod mangarap arnie… ako ang mga pangarap ko ang nagsindi sa akin para magpursige ako at magtiyaga ako sa buhay… ang mga pangarap ko ang dahilan kung bakit ako ngpapatuloy…

    balang araw mapipitas din natin silang lahat… hinay-hinay lang.

    • ate joyo ur here…pengeng pong bente…hahaha

      sa sarili ko patuloy akong nangangarap at umaasa na makamit ko lahat ng inaatim kong bagay ito ang nagiging driven purpose ko upang suungin lahat at maalpasan anumang hindrance ang humarang sa akin…

      napansin ko lang ito sa ibang mga tao at sana ito ay magbago at patuloy pa din magdingas ang alab ng kanilang sampalataya upang magpunyagi at umahon sa dusak ng kanilang kasawian at kamaralitaan…

      nagiging malalim na ako…waaaaaaah

      magandang umaga sayo ate joyo!!!

      thanks sa pagbisita! 🙂

Leave a comment