KM2: Gaano Kabait Si Pepe?

Masusukat nga ba ang bait na kayang ibigay ng isang nilalang. Sa paanong paraan at anumang sitwasyon. Maaari din bang malaman kung ito ay wagas at walang alingawngaw ng panlilinlang. Mababanaag ba ang totoong ugali bunsod ng kabaitang ipinakita sa una pagkakataong kayo ay magkita?

Para sa nalalapit na kaarawan nina Jasonhamster at Ginoong Jose Rizal. Naisip kong bigyang pansin ang kabaitan at kagilasang nagawa ng isang bayaning gumamit ng kanyang talino upang magbigay pag-asa at magbuklod sa nagkakaisang Pilipino ย na sa ngayon ay malimit ng magkaroon dahil sa panigbuho at kawalan ng sariling pagpapasya na dulot ng hungkag na pamamalakad.

Noon sa kanyang panahon ang kabaitan ay naipamamalas ngunit sa magkakaibang bersyon at tinatangi ng pagkakataon.

Sa mga halinghing ng kasiyahan ng mga maharlika noong panahon ni Pepe makikinita ang kabaitang may kubling kasakiman. Animo dikya kung makakapit sa mga opisyales at mayayamang Espanyol upang maatim ang luwalhati at kaligtasang walang kasiguraduhan sa mga kamay ng banal kung maituring at lubos kung sila ay pagpurihan. Tama bang ang kabaitan ay laging meron hinihintay na kapalit na kasiguraduhan at maidudulot na kasaganahan.

Dulot ng kasawian ng kanyang kapwa mamamayan at sa pag-alumpihit ng mga halinghing ng lubos na paghihirap, sakripisyo at pagkawala ng mga minamahal na kababayan. Ang peklat na magpapaalala sa kagimbal gimbal na karanasang ilang daang taong pinagtiisan. Dito nahugot ni Pepe ang adhika naย mapalaya at tuluyang wakasan ang walang humpay na pagtangis at sa muling pagbangon sa yungib at dusak ng impyernong gawa ng tao.

Walang maliw na pagdurusa na nagbunsod sa isang matalinong ginoo na nakasaksi sa lugami at nangangalumatang kalagayan ng mga kawawang kababayan upang supuliin ang mga manananggal ng kalayaan at upang malasap ang inaatim na kasarinlang natatago sa kuyukot ng tampalasang mananakop. Ang kanyang katapangan at pagsusumikap na nagbunga upang matamasa ang tagumpay na kasing tamis ng pulot-pukyutan.

Ang kabaitan ng isang tao ay taos kung walang natatagong masamang hangarin at panlalamang; iniisip ang kalagayan ng iba at ang kanilang ikakaligaya; kababaang-loob sa kabila ng kagitingan at karangyaang naabot; at higit pa man ang pagkakaroon ng takot sa Diyos Maykapal.

Advertisements

29 thoughts on “KM2: Gaano Kabait Si Pepe?

  1. maayos ang pagkakalinang ng sanaysay, ang mga mahiwagang salita ay mairiing nailapat sa tamang lugar, may kaisahan. Binabati kita ginoo sa magaling at malinaw na pagpapahayag ng damdamin sa iyong akda…

    (parang teacher lang, ehehe, ang gusto ko lang sabihin ay maganda, mahusay… galing!)

  2. sana nga lumutang din ang kabaitan ng lahat ng pilipino. marami pang gustong sabihin si pepe. isa ito sa mga yun.

    mabuhay, sir arnie!

    wala akong itulak kabigin sa husay ng lahat ng lumahok ngayon. ang wika at panulat ang siyang totoong panalo ngayon sa KM2.

  3. tulad ng wika ni ginoong duking. panalo ang lahat sa pakontes na ito pero mas panalo si jkul sa dahilang napakita niya na kaya palang maging iba iba ang maging kalahok na istorya gamit ang 16 na salita.

    Halos lahat gusto ko. Panalo din itong lahok mo.. Napapanahon. Lalo nat malapit na\ang kaarawan ng dakila nating bayani at ang kanyang tagapagmanang si Jasonhamster.

    Ngayon lang ako nakapagblog hop. nahirapan ako…. Napagod pero nabusog ang aking utak sa mga salitang binitawan ng mga kalahok..

    Mabuhay ka boss…

  4. gano nga ba kabait ang tao? saken sapat na ung wala kang tinatagong masamang hangarin sa iba. pero mas maganda siguro yung wala kang ibang nais kundi kabutihan ng iba.

  5. kung sukatan ng kabaitan, sigoro mas gusto kong malaman kung totoo ba sya sa sarili nya bago ang lahat. doon nating masasalamin ang hangarin ng isang tao, kung kaya mong maging mabuti sa sarili mo, kayang kaya mong gumawa ng mabuti sa iba. ๐Ÿ™‚

  6. Bagay na bagay ang medalya sa sidebar.

    Pinasadahan kong muli ang iyong akda, dapat lamang na gawaran ito.

    Maliwanag ang mensahe. Sanaysay na may saysay. ๐Ÿ™‚

    • Maraming salamat po sa lahat ng lumahok at sempre sa iyo kuya jkul…

      Bawat isang akdang nilahok ay sadyang natatangi at dapat bigyan at gawaran ng parangal. Magaling po ang lahat ng sumali…

      Kampai! Magandang umaga sa lahat! Batid kong di ako makasagot sa lahat ng inyong komento ngunit gayon man nagpapasalamat ako sa pagdalaw sa aking kuta…. ๐Ÿ˜€

      Mabuhay tayong Lahat!!! ๐Ÿ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s