Isa sa mga sagradong sakramento at paniniwala nating mga Katoliko ang Binyag. Ito ay sakramento kung saan iniaalay ang batang bibinyagan kay Bro at binabasbasan upang sila ay maging ganap na anak ng Diyos at maging ganap na Kristiyano. At sa mga ganitong kaganapan hindi mawawala ang mga Ninong at Ninang. Sila daw ang mga magiging katulong ng magulang sa paggabay at magturo sa kani-kanilang inaanak bilang pangalawang magulang.
Naisip ko ang dami ko na palang inaanak sa Binyag at madami na din nakaline-up…waaaaah Mabenta yata masyado si Ako..Baket kaya? Hmmm... Hindi naman ako sikat at kuripot pa naman ako sa pakimkim...(joke lng!) hahaha So ang inisip ko na lang lubos nila akong pinagkakatiwalaan na maging pangalawang ama ng kanilang mga supling (Naks). Pero kahit hindi ko ka-close kinukuha pa din nila ako. Nagugulat na lang ako na may imbitasyon na ako ay magninong sa kanilang anak. Ano ba kaya talaga ang basehan sa pagkuha nila saken?hmmmm
Sa malalapit kong kaibigan halos lahat na yata sa kanila ay meron ng sari-sariling mga supling na talaga namang pagkacute-cute nila (parang si Ninong lang ah!).
Heto na sila….
Ninong for ALL Season na talaga ako…wahahaha





