Sulat

Originally posted on Arsean Crafts en Travels:

Nakukubli sa mga letra. Natatago sa bawat salita. Ngunit dagli mong mababanaag ang diwa kapag nabuo na ang paksa.

Sa paglupon ng tamang titik at paghabi ng tamang salita hindi ko inaasahan magkaroon isang likhaing kailan man ay hindi ko naisip na aking gagawin.

Wala mang talento sa pagsulat. Wala mang sapat na kaalaman sa ibang salita. Hayaan lang tumipa at mabuo ang inuumid ng damdamin at bulong ng kasalukuyang pangyayari.

Minsan kailangan din tumahimik.

Manahan sa ibang pagkakaabalahan.

At sa huli’y magbabalik.

Magsisimula muli sa pagtipa ng mga letra. Hahabi ang mga salita. At muling mabubuo ang paksang ninanais ipahiwatig sa naghihintay na  mambabasa.

View original

What if February 29, does not exist?

by: Jerome Nana

 Paano nga kaya kung walang February 29 sa kalendaryo? Paano kung hindi nabuo ang mailap na petsa na kung magpakita lamang ay isang beses kada apat na taon? Paano nga kaya kung ang kaisa-isang araw na idaragdag sa regular na 365 days ay biglang umabsent sa kalendaryo?

Mostly, people consider the month of February as kulang-kulang. Una, dahil ang buwan ng Pebrero ay umaabot lamang sa dalawangpu at walong araw kumpara sa regular na 30 or 31 days. Pangalawa, dahil kahit sumobra ng isang araw ay kulang pa din. Di ba? (Do your math beybe!) Kaya kung Pebrero ka ipinanganak, welcome to the club ng mga kulang-kulang. Pero paano kung sa lahat ng araw ng Pebrero napagtripan pa ng nanay mong ilabas ka sa no. 29? Bingo!!! Edi sige, ikaw na ang pinaka, greatest, superior, to the highest level na kulang kulang.

But I strongly disagree with this. Hindi ka kulang-kulang kung ipinanganak ka ng Pebrero lalo na kung swak ka sa banga na no. 29. Hindi ibig sabihin na pag “leaping” or “leap year baby” ka eh hindi ka na kumpleto. Most of those people na kilala kong ipinanganak ng Pebrero ay sobra-sobra pa nga sa kagalingan, kung hindi artistic e matalino, maganda, gwapo (insert *ehem! here) at maabilidad. Yung tipo bang may something unique in them or part na sobrang nag eexcel sila?

On the other hand, bakit mo tatawagin na kulang kulang ang Pebrero 29, if it occurs every four years to help synchronize the calendar year with the solar year, or the length of time it takes the earth to complete its orbit about the sun, which is about 365¼ days. Ano daw? Basta ang nag 29 ang pumupuno sa kulang na oras kapag umiikot ang mundo sa loob ng apat na taon.

Special ka! Because in 1 out of 1500 chances your birthday falls on the 29th. Swerte ka din dahil sa bansa natin, you can choose between February 28 or March 1 kung kelan mo ice-celebrate o kaya naman kung walang pera pwede mong i-dahilan na wala ka namang birthday pero malas mo lang sa mga kuripot na kaibigan, ninong ninang na at kamag-anak na makikikain pero walang regalo dahil ang katwiran nila wala naman 29 ngayong taon.

If February 29 didn’t exist since then, I doubt if the cartoon strip of Bil Keane’s Family Circus will reached its prominence today if it didn’t debut on 1960. Also, hindi ka rin siguro ma-eentertain, matutuwa, at mata-touch sa mga direksyon ni Jhonny Delgado katulad ng “Tanging Yaman”, “Kailangan Kita”, “May Bukas Pa”, “Mga Angel na Walang Langit” at “Going Bananas”  kung hindi siya ipinanganak nong 1948.

At higit sa lahat, kung hindi nag exist ang February 29 hindi mo binabasa ang article na to. Kaya para sa mga katulad kong kulang-kulang este ipinanganak ng PEBRERO lalo na sa araw ng 29. Mabuhay Kayo at Happy Birthday!

FEBRUARY na! Find your HAPPINESS!

February, 2012! I’ve been longing for this month to come. I’ve waited for about a year. Planning and Thinking of what might have happened once I tender that piece of sheet that will surely has an impact on me. Yes, it was hard to make decisions for yourself without thinking of its possible effect on your current standing. So I did asked and solicit some advise for some people I really trust.

After having much consideration, I believed that was enough and the time of assessment and apprehension has already lapsed. And so, I decided to leave and find my HAPPINESS.

We just have to let go for something in order to find  another which is better than the previous one.

Some people asking why? Some people has grudges but I don’t think it would change my last decision. Sometimes you need not to worry of what other people might say and just hold on your beliefs.

TODAY! I’m happy and excited. Life is too short to be sad and fear for something you didn’t even try. Done with “What If??”. Because God has always better plan for us. We just have to be brave and have faith to face any challenges and trials.

Finding HAPPINESS is  the motivating factor to me now to be more POSITIVE and PATIENT.

:)

“Happiness is the art of never holding in your mind the memory of any unpleasant thing that has passed.”
–Unknown

Hindi na ako happy today! Bukas na lang ulet.

Sometimes you just need to shut your mouth and be silent about the awful things happened.

Sometimes you just need to close your eyes and think that you haven’t done anything wrong.

but today…

I’m definitely not….

I just don’t get the idea of pleasing people whom do you think doesn’t deserve to be. But the fact that we’re just being compensated, which I think we really deserves to receive because we worked for it, shouldn’t be the ground for those words that you said.

I feel bad.

Sorry but this will be the last time I will do that crap.

Si Draco

Tanaw ang masasayang bata sa bintana
Tumatakbo at naglalaro ng Haring Taga
Samantala ako’y nag-iisa walang magawa kundi ang magbasa
Mag-isa sa kwarto kasama ang makakapal na libro

Nais kong maglaro’t magtampisaw sa ilalim ng ulan
Nais kong tumakbo na kasing bilis ng kidlat sa kalangitan
Maglaro ng taguan maghapon hanggang kinagabihan
Ngunit sabi ni Nay, “sa bahay pumirmi lamang.”

Dumating ang aking kaarawan
Kasiyahan ay walang pagsidlan
Bagong Robot ang regalo ni paborito kong Ninang
Naglalakad at nagsasalita ang aking bagong laruan

Malulungkot na araw ay biglang nag-iba
Ngiti sa labi habang hawak si Draco, ang Robot kong binibida
Baon sa eskwela at kung saan man magpunta
Siglang dulot ni Draco sadyang kakaiba

Lahat ng kalaban ay tinalo ng mabilisan
Halimaw at masasamang nilalang ay walang labang napaslang
Ang mga galos at sira ni Draco hindi inalintana
Patuloy ang paglalaro at pagsabak sa larong giyera

Dumaan at lumipas ang mga araw
Katawan ni Draco’y unti unti ng naghihiwalay
Huli na ng mapansin ang sugatang kaibigan
Hindi na makalakad at parang taong wala ng buhay

Luha ng pagsisisi at kalungkutan
Para sa kaibigang nakalimutang alagaan
Ang saya ng pagkikita ay napalitan ng lungkot ng paghihinayang
Kaibigang Draco, sa akin ikaw pa rin ang bida.

ang tulang ito ay aking lahok sa Saranggola Blog Awards 3.

Sulat

Nakukubli sa mga letra. Natatago sa bawat salita. Ngunit dagli mong mababanaag ang diwa kapag nabuo na ang paksa.

Sa paglupon ng tamang titik at paghabi ng tamang salita hindi ko inaasahan magkaroon isang likhaing kailan man ay hindi ko naisip na aking gagawin.

Wala mang talento sa pagsulat. Wala mang sapat na kaalaman sa ibang salita. Hayaan lang tumipa at mabuo ang inuumid ng damdamin at bulong ng kasalukuyang pangyayari.

Minsan kailangan din tumahimik.

Manahan sa ibang pagkakaabalahan.

At sa huli’y magbabalik.

Magsisimula muli sa pagtipa ng mga letra. Hahabi ang mga salita. At muling mabubuo ang paksang ninanais ipahiwatig sa naghihintay na  mambabasa.